Upan9 ma9katrabaho makabili n9 kahit ano, atbp. basahin - Manila Bulletin Advertisements & Classified Ads P10.00

E 28,2014 P10.00 []l;!ID1DB1lillIilllIill [;'J:]f[lD-~ffil'B:EJ° 0illI!l ITli:l'm ~ fXil'8ID" ~ WREf MANOlO AT JANELLA, MAGTATAMBAl' UJ:nIlIIID ...
Author: Oscar Phillips
82 downloads 12 Views 7MB Size
E

28,2014

P10.00

[]l;!ID1DB1lillIilllIill [;'J:]f[lD-~ffil'B:EJ°

0illI!l ITli:l'm

~ fXil'8ID" ~ WREf

MANOlO AT JANELLA, MAGTATAMBAl' UJ:nIlIIID

ALA-POPE

KIT, UMIIWAS NA SA MASAMANG BARKADA UDD

FEDERER, NAGHARI SA SWISS INDOOR

amID

Nakaayos-Pope ang asong ito na nakibahagi sa 24th Annual Tompkins Square Halloween Dog Parade noong Oktubre 25, sa New York City sa Amerika. Libu-libo ang nagtipun-tipon sa Tompkins Square Park upang panoorin ang parada ng mga asong naka-costume sa pinakamalaking Halloween Dog Parade ng bansa. AFPITIMOTHY A. CLARY

°

Upan9 ma9katrabaho makabili n9 kahit ano, atbp. basahin - Manila Bulletin Advertisements &Classified Ads

2

martes, oktubre 28, 2014

Pagbasura sa VFA, iginiit ng 2 mambabatas Ni MARiO B. CASAYURAN Pinangunahan ng dalawang mambabatas ang hakbangin upang pormal nang ibasura ang 15 anyos na PH-US Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ay matapos na maghain kahapon sina Senator Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Senate Foreign Relations Committee at ng Legislative Oversight Committee on the Visiting Forces Agreement (LOVFA); at AKBAYAN Party-List Rep. Walden Bello ng joint resolution para pormal nang pawalang-bisa ang VFA.

Inaatasan din ng pinag-isang resolusyon si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert F. Del Rosario na isilbi ang notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Amerika. Bukod sa inequity ng VFA sa kostudiya sa sundalong Amerikano na suspek sa pagpatay sa isang Pilipino, umapela rin si Santiago na ibasura na ang kasunduan dahil hindi ito pabor sa soberanya, kalikasan at record ng karapatang pantao ng Pilipinas. Ang paghahain ng resolusyon ay bunsod ng pagpatay noong Oktubre 11 sa kay Jeffrey “Jennifer’’

Laude sa isang hotel sa Olongapo City na sinasabing kagagawan ni US Marine, Private First Class Joseph Scott Pemberton. Pagkatapos maakusahan sa krimen, pinababa si Pemberton sa barkong nakadaong sa Subic Bay at pansamantalang nakapiit sa isang US custodial facility, ang Joint US Military Agreement (JUSMAG), sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Sa iginigiit na kailangan ng Pilipinas ang VFA laban sa China, sinabi ni Santiago, “The VFA does not imply that the US will come to our aid, in case of a firefight with China over the West Philippine Sea. On the contrary, in 2013, then US Secretary of State Hillary Clinton said that the US would be neutral.”

Pagpigil ng BI kay Sueselbeck, idinepensa ni De Lima Naninindigan si Justice Secretary Leila De Lima sa pagpigil ng Bureau of Immigration (BI) sa German fiancé ng pinaslang na si Jeffrey “Jennifer” Laude na si Marc Sueselbeck na makaalis sa bansa nitong Linggo. Ipinagtanggol ang BI mula sa mga batikos, sinabi ni De Lima na tungkulin ng BI na kumpiskahin ang pasaporte ni Sueselbeck dahil sa deportation proceedings laban sa dayuhan sa pagiging undesirable alien nito. Pero tiniyak ng kalihim sa German, na nilabag ang security protocol sa pasilidad ng militar na kinapipiitan ng suspek sa pagpatay kay Laude na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton at itinulak ang isang tauhan ng Philippine Army, na bibigyan ito ng oportunidad na sagutin ang kasong isinampa laban dito. “While deportation is supposed to be a summary procedure, we are giving him due process. If we allowed him to just leave, we would not be able to determine if he is really an undesirable alien or not,” paliwanag ni De Lima. Bukod sa deportasyon, sinabi ni De Lima na ang pagkakatukoy kay Sueselbeck bilang isang undesirable alien ay maaaring magbunsod upang mapabilang ito sa blacklist ng BI at hindi na makabalik pa sa Pilipinas. Aniya, kinailangang isulong ng BI ang deportation proceedings laban kay Sueselbeck sa hiling ng Armed Forces of the Philippines, kahit pa humingi na ng paumanhin ang German sa nangyari. Leonard D. Postrado

Ni Jun Ramirez

balita

HUWAG PASAWAY

Porn images at videos sa social media, itigil na!—Bishop Garcera Ni Mary Ann Santiago Hinimok ng isang obispo ang publiko laban sa pagpapakalat ng pornographic images at videos sa social media na aniya’y isa ito sa mga dahilan kung bakit nasasalaula ang isipan ng kabataan. Ayon kay Daet, Camarines Norte Bishop Gilbert Garcera na dapat ay maging responsable sa paggamit ng Internet ang ilan upang hindi malantad ang kabataan sa pornograpiya. “We also appeal to people who pass on these kinds of materials to stop from doing so. These pollute the minds of people especially our young people that lead to the trivializing of their sexuality which come from GOD,” ani Garcera sa isang pastoral statement. Pinayuhan rin nito ang mga magulang na protektahan ang

kanilang mga anak laban sa malalaswang larawan at pornograpiya. Ipinalabas ni Garcera, na dating secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang babala matapos na maging viral sa Internet ang mga maiskandalong larawan ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado at ng umano’y kalaguyo nito. Umapela pa ang Obispo sa mga mamamayan na tulungan ang mga mag-asawa na isabuhay ang katapatan at mga pangakong binitawan nang sila’y ikasal. “We need to pray more for families, especially husbands and wives so that their love and faithfulness will truly be grounded on their faith in the Lord Jesus Christ,” pahayag pa nito.

Credit assistance sa OFWs, ipinupursige Nanawagan si Senador Sonny Angara sa agarang pagpasa ng batas na magbibigay ng credit assistance sa mga overseas Filipino worker (OFW) upang hindi na sila mangutang sa mas mataas ang tubo. Ayon kay Angara, malaking tulong ito sa OFWs para mabayaran ng mga ito ang kanilang recruitment fees at iba pang obligasyon. Sakaling maging batas, maaari nang mangutang ang OFWs ng P50,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para maitustos sa kanilang mga pamilya, pambayad sa recruitment agencies, documentation at maging sa plane tickets. Ang utang ay mababayaran sa

loob ng isang taon na may interes lamang na hindi hihigit sa anim na porsiyento. Kung sakaling hindi makababayad, pansamantalang hindi ibibigay ang kanilang Overseas Employment Certificate (OEC) at iba pang exit permit. Papatawan naman ng 60 araw na suspensiyon ang sinumang kawani ng gobyerno na magbibigay ng exit permits. Pumasa na ito sa Senado habang nasa ikalawang pagbasa naman ito sa Mababang Kapulungan at umaasa si Angara na maaaprubahan na ito ngayong ;inggo. Leonel Abasola

OFWs, mas pinili sa ibang bansa dahil sa kawalan ng trabaho sa ‘Pinas Ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa sariling bansa ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang napipilitang iwanan ang kanilang pamilya at magtrabaho sa ibayong dagat upang kumita lamang ng pera. Ayon kay Fr. Resty Ogsimer, executive secretary ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (EMI) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kabila ng pagka-homesick at hirap na nararanasan ay mas pinipili ng mga OFW na manatili na lamang sa ibayong bansa dahil sa

kawalan ng kasiguruhan ng buhay sa Pilipinas. “OFWs often have to choose between starving to death in the Philippines because they’re jobless here or fighting for something that has more promise elsewhere,” paliwanag ni Ogsimer sa panayam ng Radio Veritas. Batay sa pag-aaral ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), may mahigit sa 2.2 milyong OFW ang nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Mary Ann Santiago

3

balita martes, oktubre 28, 2014

Dagdag Balita R2B inilaan sa silid-aralan Nagkaloob ng karagdagang dalawang bilyong piso ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa Department of Education para magtayo ng mga gusaling pampaaralan. “Rebuilding lives.” Ito ang binigyandiin ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson at CEO Cristino Naguiat Jr., nang ibigay kay Education Secretary, Br. Armin A. Luistro ang tseke para sa “Matuwid Na Daan Sa Silid-Aralan.” Nauna rito, nagkaloob ang Pagcor ng P5 bilyon para solusyunan ang kakulangan sa silid-aralan kabilang na ang P2 bilyong pagkukumpuni at paggawa ng paaralan sa Visayas matapos ang super typhoon Yolanda. Mac Cabreros

Lason sa bigas, iimbestigahan, Ipinasisiyasat ng dalawang mambabatas ang ulat na posibleng ang suplay ng bigas ng Pilipinas ay nagtataglay ng arsenic, isang nakalalasong kemikal. Sinabi nina Rep. Rufus B. Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez na ang arsenic ay maaaring masipsip ng lahat ng halaman, subalit higit na matatagpuan sa madahong gulay, bigas, mansanas, ubas, grape juice, at seafood. Anila, maaaring malagay sa panganib ang mga tao dahil sa arsenic sa pamamagitan ng pagkain at tubig, laluna sa mga lugar na ang groundwater ay may kontak sa arseniccontaining minerals. Nais ng dalawang Rodriguez na ipatawag ng Kamara ang mga ahensiya na may kinalaman dito, gaya ng Department of Agriculture (DA), Office of the Presidential Adviser on Food Security, Codex Alimentarius Commission, Food and Agriculture Organization, World health Organization, EcoWaste Coalition Project Protect at iba pa. Bert de Guzman

Zero crime, naitala sa Mandaluyong Walang naitalang krimen ng ridingin-tandem sa Mandaluyong City simula nang ipatupad ang Ordinance 550 noong Setyembre 4, iniulat ng tanggapan ni Mayor Benhur Abalos. Ayon kay Mr. Jimmy Isidro, tagapagsalita ni Mayor Abalos, nakatulong nang malaki ang nasabing ordinansa kontra mga krimen ng ridingin-tandem at mapanatag ang loob ng mamamayan sa lungsod. Bago ang ordinansa, aabot sa 20 riding-in-tandem crime ang naitala noong nakaraang taon. Sa ordinansa, mahigpit na pinagbabawalan ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at pinapayagan lamang ang mga babae at batang hindi bababa sa 7 hanggang 10anyos. May multang P1,000 sa unang paglabag at P2,000 at P3,000 at may pagkakulong sa ikalawa at ikatlong pagkakataon. Mac Cabreros

TRAVEL LIGHT

PCG sa biyahero: Bagahe, limitahan Ni BETH D. CAMIA Limitahin ang pagdadala ng maraming bagahe. Ito ang panawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na sasakay ng barko papunta sa kanikanilang probinsya upang gunitain ang Undas. Sinimulan na kamakalawa ng PCG ang inspeksyon sa mga sasakyang pandagat na bibiyahe upang masiguro ang seguridad ng mga pasahero. Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, layunin nilang matiyak na ang mga maglalayag na sasakyang pandagat ay pawang seaworthy para sa kaligtasan ng publiko. Paalala ni Balilo sa mga pasahero, limitahan ang mga bagahe para mabilis ang kanilang pagsakay at hindi na maabala. Nagpakalat na ng mga K-9 team ang PCG sa mga barko at daungan para makasiguro na walang makapagpupuslit ng mga ilegal na kontrabado. Naglagay na rin ng help desk para mapagtanungan ng mga pasahero sakaling may kalituhan. Sapul kamakalawa, kaunti pa lamang ang mga bumibiyahe dahil may mga pasok pa ang ibang

kumpanya pero inaasahan na sa Miyerkules ay magsisimula na ang

Miyerkules ay pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

kAHuHusAy n’yo Isa-isang binabati ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang mga miyembro ng Philippine Army Dragon Boat Team (PADBT), sa pamumuno ni Lt. Col. Harold Cabunoc, sa courtesy call sa President’s Hall ng Malacañang Palace noong Lunes, Oktubre 27, 2014. Ang 17-man PADBT ay nagtala ng mga world record at nanalo ng gintong medalya sa 200-meter at 500-meter small boat category sa 9th International Dragon Boat Federation Club Crews World Championships sa Standiana Bacin, Ravenna, Italy noong Setyembre 3-7, 2014. RICHARD V. VIÑAS

BAHALA SILA

PNoy, ‘di apektado sa banggaang Binay-Roxas Walang epekto sa administrasyong Aquino ang banggaan ng kampo nina Vice President Jejomar Binay at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas. Ito ang reaksiyon ng Malacañang sa ibinulgar na isyu ni Atty. JV Bautista na

umano’y “Oplan: Stop Nognog” laban kay Binay na sinasabing pakana ng kampo ni Roxas at “Oplan: Maligno’, na ayon naman kay Caloocan Rep. Edgar Erice ay target si Roxas, na pakana ng kampo ni Binay. Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma,

hindi ito iniintindi ni Pangulong Aquino na nakapokus sa pagpapatatag ng mga programa at reporma sa pamahalaan. Nilinaw rin ni Coloma, hindi sila nakikisawsaw sa mga naglalabasang kontrobersya laban kay Binay na kaibigan ng Pangulo. Beth Camia

13 bigating bangko sa Europe, bagsak sa test FRANKFURT, Germany (AP) — Sinabi ng European Central Bank noong Linggo na 13 sa 130 pinakamalalaking bangko sa Europe ang bumagsak sa in-depth review ng kanilang finances at nangangailangan ng karagdagang 10 bilyong euro ($12.5 billion) upang malagpasan ang anumang krisis sa hinaharap. Sinuri ng ECB, katuwang ang European Banking Authority, ang halaga ng holdings ng mga bangko sa tinatawag na asset quality review at isinalang ang mga ito sa stress test na titimbang kung paano gagalaw ang kanilang pananalapi sa pagbagal ng ekonomiya. Sinabi ng ECB na 25 bangko ang

natuklasang nangangailangan ng 25 billion euros. Sa bilang na ito, 12 na ang napunan ang kanilang mga kakulangan sa mga buwang isinasagawa ng ECB ang kanyang review, na batay sa finances ng bangko sa pagtatapos ng 2013. Nakatipon sila ng pera sa pagisyu ng mga bagong share, o pag-alis ng kanilang risky investment o loan businesses na nagbawas sa halaga ng kapital na kailangan para ma-backstop ang holdings na ito. Ang nalalabing 13 sa ngayon ay mayroon pang dalawang linggo para ihayag sa ECB ang kanilang plano para mapataas ang kanilang capital buffer at hanggang siyam na buwan upang maisakatuparan ang plano.

Ang Italy ang may pinakamaraming bangko na nangangailangan ng karagdagang kapital — 4 sa 13. Ang bangkong may pinakamalaking pagkukulang ay ang Monte dei Paschi di Siena ng Italy, na kapos ng 2.11 billion euros. Lima sa mga bangko – ang Eurobank, National Bank of Greece, Nova Ljubljanska Banka, Nova Kreditna Banka, at Dexia — ay mapupunan ang kanilang kakulangan sa capital sa pamamagitan ng pananatili sa kanilang kasalukuyang restructuring plan. Karamihan sa iba pang mga bangko ay maliliit na halaga na halos 1 billion euro at sa ilang kaso ay halos 200 milyong euro.

Daigdig

v

Chlorine bomb, bagong armas ng IS MURSITPINAR, Turkey (AP) —Isang bagong alegasyon ang lumutang ng paggamit ng Islamic State ng mga chlorine bomb sa mga pag-atake sa Iraq at Syria. Sinabi ng mga opisyal sa Iraq na gumamit ang mga militanteng Islamic State ng chlorine gas sa pakikipaglaban sa security forces at Shiite militiamen noong nakaraang buwan sa hilaga ng Baghdad. Kapag nakumpirma ang mga balita, ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng Sunni extremists na gamitin ang chlorine simula nang makubkob nila ang malaking bahagi ng Syria at hilagang Iraq nitong unang bahagi ng taon. Inilabas ang mga pahayag sa Iraq dalawang araw matapos sabihin ng Kurdish officials at mga doktor na naniniwala silang nagpakawala ang mga militanteng IS ng ilang uri ng toxic gas sa silangang distrito ng Kobani. Binanggit ni Aysa Abdullah, isang senior Kurdish official na nakabase sa bayan, na naganap ang pag-atake noong Martes ng gabi at ilang tao ang nakaranas ng mga sintomas ng pagkahilo at pagluluha ng mata. Sinabi ni U.S. Secretary of John Kerry na hindi niya makumpirma ang alegasyon ng mga Iraqi na ginamit ang toxic gas laban sa security forces at Shiite militia, ngunit tinawag na “extremely serious” ang mga akusasyon. Sinabi niya na ang chlorine ay maituturing na chemical weapon kapag ito ay hinalo sa iba pang toxic agent. “The use of any chemical weapon is an abhorrent act,” ani Kerry sa isang news conference sa Washington. “It’s against international law. And these recent allegations underscore the importance of the work that we are currently engaged in.”

Brazil: Rousseff, muling nahalal RIO DE JANEIRO (AP) — Muling nahalal ang maka-kaliwang si President Dilma Rousseff noong Linggo sa pinakamahigpit na halalang nasaksihan ng Brazil simula nang magbalik sa demokrasya tatlong dekada na ang nakalipas, binigyan ng pagkakataon ang kanyang Workers’ Party na maipagpatuloy ang social transformation sa ikalimang pinakamalaking bansa sa mundo. Nakuha ni Rousseff ang 51.6 porsiyento ng mga boto laban sa centerright challenger na si Aecio Neves na nakakuha ng 48.4 porsiyento ng halos lahat ng balotang nabilang.

Kababaihang bihag, isinasalang sa bakbakan LAGOS (AFP)—Ginamit ng Boko Haram ang daan-daang dalagita at batang babae na kanilang dinukot sa mga digmaan, ayon sa isang bagong ulat na inilabas noong Lunes, kasunod ng panibagong mga pagdukot sa dulong hilagang silangan ng Nigeria. Ito ang iniulat ng Human Rights Watch kasabay ng paglahad ng mga testimonya ng ilang dosenang dating bihag na nagsalaysay ng pisikal at sikolohikal na pang-aabusong dinanas nila sa kamay ng mga militante.

4

martes, oktubre 28, 2014 balita

AYON SA SWS SURVEY

12.1-M pamilyang Pinoy, hikahos pa rin Ni ELLALYN B. DE VERA May 12.1 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing naranasan nila ang kahirapan sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa resulta ng huling Social Weather Stations (SWS) survey. Natuklasan ng nationwide survey na 55 porsiyento, o 12.1 milyong pamilya, ang nagsabing naghihikahos sila sa buhay. Ito ay kapareho ng bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing mahirap

sila noong Hunyo 2014. Gayunman, sinabi ng SWS na ang poverty rate ay nananatiling mas mataas ng tatlong puntos sa 52-porsiyentong average sa apat na quarter ng 2013. Batay sa survey sa 1,200 respondent noong Setyembre 26-29, ang self-rated poverty sa Metro Manila ay tumaas ng anim na puntos o 43 porsiyento, at pitong puntos o 52 porsiyento sa natitirang bahagi ng Luzon. Gayunman, bumaba naman ng 10

puntos ang nagsabing naghihirap sila sa o 61 porsiyento sa Mindanao, at siyam na puntos o 65 porsiyento sa Visayas. Sa kaparehong survey period, 43 porsiyento ng pamilyang Pilipino o 9.3 milyong kabahayan ang nasabing sila ay “food-poor.” Mas mataas ito kumpara sa 41 porsiyento, o katumbas ng siyam na milyong bahay, na nagsabing mahirap sila, tatlong buwan na ang nakalilipas.

Biyahe sa Caloocan,naparalisa sa tigil-pasada Bahagyang nagsikip ang trapiko sa ilang bahagi ng Caloocan City dahil sa transport strike ng mga driver ng jeepney, partikular ang mga miyembro ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON). Pasado 8:00 ng umaga kahapon nang magtipun-tipon sa Monumento sa Caloocan City ang mga tsuper na may hawak na placards, at kinondena ang implementasyon ng Joint Administrative Order (JAO) ng Department of Transportation and Communications (DoTC), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Alinsunod sa JAO, magmumulta ng hanggang P1 milyon ang mga operator ng kolorum na bus, bukod pa sa ilang pagtataas sa multa ng mga lalabag sa batas-trapiko. Sinabi ni PISTON Secretary General George San Mateo na pagsikil sa maliliit na jeepney driver ang ginagawa ng gobyerno kung patuloy na ipatutupad ang JAO. Ipinaliwanag din ni San Mateo na batay sa RA 4136 (Traffic Code), ang anumang pag-amyenda sa batas-trapiko ay dapat na idinudulog sa Kongreso, gayung ang JAO ay isa pang Department Order ng DoTC, LTO at LTFRB. Aniya pa, dapat na nagkaroon ng public consultation bago ipinatupad ang JAO.

Halos 70 porsiyento ng pamamasada ay naparalisa dahil walang jeep na bumiyahe, kaya naman pahirapan ang pagsakay ng mga pasahero.

Matapos ang ilang oras na programa, nagmartsa ang mga miyembro ng PISTON patungo sa LTO at LTFRB. Orly L. Barcala

MAKISAMA KAYO Hinihimok ng mga miyembro ng PinagIsang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide ang iba pang driver ng jeep na lumahok sa kanilang protest caravan sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City, kahapon ng umaga. Iprinoprotesta ng mga namamasada ng jeep ang labis at anila’y hindi makatarungang parusa sa mga lumalabag sa Joint Administrative Order ng DoTC, LTO at LTFRB. LINUS GUARDIAN ESCANDOR II

UP business school, binulabog ng bomb threat Ilang oras na naabala kahapon ang mga klase sa Cesar E.A. Virata School of Business sa University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City, dahil sa isang bomb threat na kalaunan ay nagnegatibo. Ayon kay Insp. Noel Sublay, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) District Public Safety BattalionExplosives Ordnance Division (DPSB-EOD) na nasa Camp Karingal, natanggap ang bomb threat sa isang

text message na ipinadala sa chairman ng UP Diliman Student Council bandang 7:50 ng umaga. Sinabi ni Sublay na ang mensahe ng nagbanta ay: “Magingat sa bomba sa gusaling ‘Virata’. Oras nalang ang binibilang. Walang ligtas estudyante man o guro (sic).” Ang mensahe, ayon kay Sublay, ay nagmula sa cell phone number na 09067677958. Pansamantalang umalis sa gusali ang mga estudyante at guro habang

hinahalughog ng grupo mula sa QCPD-EOD ang lugar bandang 8:55 ng umaga. Gayunman, nagnegatibo sa bomba ang gusali at idineklarang ligtas dakong 9:35 ng umaga. Agad din namang ipinagpatuloy ang klase sa UP Cesar E.A. Virata School of Business dahil nakatakda kahapon ang mid-term exams. Iniimbestigahan pa ang insidente, ayon kay Sublay. Francis T. Wakefield

Balitang Cute

Happy birthday, Bill Gates! Oktubre 28, 1955 isilang sa Seattle, Washington sa Amerika si Bill Gates, isa sa mga nagtatag ng Microsoft Corporation. Kasama si Paul Allen, itinatag ni Gates ang Microsoft, na kilala sa operating system nitong Windows at sa office suite productivity software nito. Nakilala ang kumpanya nang ikomisyon ito ng IBM (International Business Machines) para gumawa ng bersiyon ng CP/M operating

system, na kalaunan ay ginamit sa mga sumunod na IBM Personal Computer (PC)/Disk Operating Systems (DOS). Kilala bilang isa sa pinakamayayaman sa mundo, abala si Gates sa pagkakawanggawa at regular na nagdo-donate ng malalaking halaga sa iba’t ibang charitable institution. Nagkakaloob din siya ng pondo para sa iba’t ibang scientific research program sa pamamagitan ng Bill & Melinda Gates Foundation.

Bagong odd-even scheme, magiging epektibo kaya? Sa halip na makatulong ay nakapagpalala pa ang mga “band aid” solution sa matinding problema sa trapiko sa Metro Manila, kaya kailangang iwasan ng mga ahensiya ng gobyerno na magpatupad nito. Ito ang inihayag ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian nang hinimok niya ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng komprehensibong solusyon na epektibong maiibsan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila. Kaugnay nito, sinabi ni Gatchalian, senior member ng House Committee on Metro Manila Development, na dapat na pag-aralang muli ang pinaplanong pagpapatupad ng oddeven scheme para sa mga provincial bus na bumibiyahe sa EDSA. Sa ilalim ng nasabing scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga provincial bus na ang

plaka ay nagtatapos sa 1,3,5,7 at 9 ay pahihintulutang dumaan sa mga EDSA tunnel mula Lunes hanggang Miyerkules. Batay sa plano, ang mga bus namang nagtatapos sa 2,4,6,8 at 0 ang plaka ay papayagang dumaan sa mga tunnel tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado. Bawal sa mga tunnel ang lahat ng provincial bus tuwing Linggo. Sisimulan ngayong Martes, Oktubre 28, ang pagpapatupad sa odd-even scheme hanggang sa Enero 4, 2015. Nagbabalang mas lalala pa ang trapiko sa inaasahang pagtaas ng benta ng sasakyan sa 2015, isinusulong ni Gatchalian ang House Bill 5098 (Proof of Parking Space Act) na mag-oobliga sa mga bibili ng sasakyan na magsumite ng patunay na may parking space para rito, dahil kadalasan, aniya, ay ang bangketa o kalsada ang ginagawang garahe ng ilang car owner. Ben R. Rosario

Papalit kay Ong sa Sandiganbayan, hanap Sinimulan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng nominasyon para sa bakanteng posisyon sa Sandiganbayan kasunod ng pagkakasibak sa tungkulin kay Sandiganbayan Senior Justice Gregory Ong. Ito ang napagpasyahan sa pagpapatuloy kamakailan ng regular meeting ng pitong miyembro ng panel, na pinangunahan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Sa isang pahayag, itinakda sa Nobyembre 6 ang deadline sa paghahain ng nominasyon at aplikasyon at hanggang Nobyembre 21 naman maaaring magsumite ng mga kinakailangang dokumento. Matapos matanggap ang mga pangalan, magsasagawa na ang JBC ng screening sa mga nominado sa pamamagitan ng public interview at background checking.

Ang isang mahistrado ng Sandiganbayan ay dapat na naturalborn citizen, 40 anyos pataas at mahigit 10 taong naglingkod bilang hukom o abogado. Dahil hahawak ng mga kaso ng korupsiyon ng mga opisyal ng gobyerno, ang susunod na Sandiganbayan justice ay dapat na may integridad, probity at independence. Sinibak ng Korte Suprema si Ong mula sa hudikatura dahil sa pagkakaugnay nito sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, na sinasabing utak ng pork barrel fund scam. Bukod sa bakanteng posisyon sa Sandiganbayan, binuksan din ng JBC ang selection process para sa associate justice ng Court of Appeals (CA) kaugnay ng pagreretiro ni Associate Justice Vicente Veloso sa Enero 7, 2015. Leonard D. Postrado

The First 1,000 Enrollees will receive FREE LAPTOP COMPUTER after 3 Months of Training! Receive 2,000 Pesos Monthly Referral Bonus for each Working Student Scholar Referrals! Sa 7,000 Pesos One-Time Na Enrolment Fee, maraming BENEPISYO:

Classes starts November 20, 2014 from 1:00 a.m. to 12:00 midnight. Deadline for first batch of 1,000 working student scholars enrollment is on October 31, 2014. Please call 509-1115, 09493009113 or 09161104495 and look for Mr. John Nino R. Eslit. You may visit www.iearnspa.com for further details. 8enepisyo ng Working Student Scholars:

ng Code on Sanitation of the Philippines or Presidential Decree 856 (PD 856) at Executive Order 102 (EO 102) s. 1999 Reorganization and Streamlining of the DOH. Ang batas ay nagtatakda sa CEMT ng tungkulin na masiguro na mga qualified na tao lamang ang pwedeng pumasok sa regulated profession ng Massage Therapy. Lahat na serbisyo na ibibigay ng mga Massage Therapists ay dapat nakapaloob sa striktong standards of practice. STRICT IMPLEMENTATION ng batas sa taong 2015, bawal mag massage ang kahit sino kung hindi siya lisensyado ng D.O.H.

a. Ang One-Time na Tuition Fee na Seven Thousand Pesos (PhP 7,000.00) para sa Dalawang Taon na International LCCI United Kingdom Diploma Training ay REFUNDABLE pagkatapos ng Thirty (30) Days simula sa unang ara na Official Opening ng Training. Dapat makapag On-JobTraining ang Working Student Scholar ng One Hundred (100) Hours sa isang Bwan . Ang International Diploma Training ay nagkakahalaga ng Forty Seven Thousand Five Hundred Twenty Pesos (PhP 47,520.00). Ito ay sponsored ng iEarnSpa , Inc. at ang pondo ay galing sa On-JobTraining na ibibigay sa Working Student Scholar.

d. Two (2) Years na Seven Thousand Pesos (PhP 7,000.00) Monthly Allowance . Ang bawat Students ay ma dedeploy sa On-Job-Training Program pagkatapos ng Two (2) Weeks na Theoretical Training. Ang OnJob-Training ay ibibigay ng iEarnSpa, Inc. na makapagbigay ng pagkakakitaan sa Students. Ang On-Job-Training ay Requirement ng Department of Health (D.O.H.) para makapasa sa Licensure Examination. Five (5) Massage Therapy Clients ang ibibigay kada araw sa Students na may total na One Hundred (100) Clients sa isang bwan.

b. Two (2) Years na International Undergraduate Diploma. Pwede pumili ang Student ng kahit anong kurso na magugustuhan niya para sa Internatiional Training . Guaranteed na Deployment Abroad bilang Supervisor at Manager. Paki search lamang ang "LCCI" sa www';obstreet.com Singapore para makita ang sample na Job Deployment. c. Kasama sa Two (2) Years na Training and Department of Health (D.O. H.) CEMT Massage Therapy Licensure Review na nagkakahalaga ng Fourteen Thousand Five Hundred Pesos (PhP 14,500.00). Ang DOH ay gumawa ng Committee of Examiners for Massage Therapy (CEMT) sa DOH Central Office para maregulate ang pag practice ng massage therapy para matugunan ang mga provision

Working Student Scholars Qualifications and Requirements: a. 17 'h Years of Age up to 62 Years Old as per prescribed by the Department of Health (D.O.H.). b. High School Graduate. c. Interest in Therapeutic Massage Therapy. (No Experience Required) d. Opening of Visa Bank Account with East West Bank, OneTime Fee of One Hundred Pesos (PhP 100.00) to be shouldered by the Student. e. Completely filled-out Bio-Data, High School Form 137, Barangay Clearance, Birth Certificate and 2x2 Picture. f. Seven Thousand Pesos (PhP 7,000.00) should be deposited at any BDO Bank Branch, Current Account Number 002380163479 and Account Name iEarnSpa, Inc. The Deposit Slip shall serve as Temporary Proof of enrolment.

e. Libreng Books at Uniform. f. Libreng One (1) Sack 50 Kilos of Rice kada bwan.

Earn While You Learn! www.iearnspa.com I Cali (02) 245-2487, (02) 509-7715, 09498009718 and 09167104495 ''As long as there are Human Bodies to Massage and Hands to do Massage, we have a Business and Johs to give to people."

Job Opening 1: Field Account Executive - PhP 700.00 Daily Salary Job Opening 2: 1,705 Personnel Field Account Supervisors (FAS) - PhP 18,000.00 Monthly Salary Job Opening 3: 170,500 Personnel Field Account Staff - PhP 18,000.00 Monthly Salary Job Opening 4: 170,500 Personnel Part Time Job for Students Office Staff - PhP 7,000.00 Monthly Allowance Job Opening 5: 1,705 Personnel Multimedia and Design Director - PhP 18,000.00 Monthly Salary Job Opening 6: 1,705 Personnel Corporate Supervisor for Health Professionals - PhP 50,000.00 Monthly Salary

iEarnSpa, Inc.

ALL ENROLLEES WILL RECEIVE ONE (1) FREE TICKET FOR THE MONTHLY BENEFITS SHOW AND JOBS FAIR AT THE MALL OF ASIA ARENA.

REFER SOMEONE TO ENROL AND RECEIVE 2,000 PESOS INCENTIVE EACH MONTH! PLUS A CHANCE TO WIN TRIP TO LAS VEGAS, USA FOR FIVE (5) DAYS! INCLUDES ROUND TRIP PLANE TICKET, $3,000 POCKET MONEY AND HOTEL ACCOMMODATION!

Job Opening 6: 170,500 Personnel Corporate Health Professionals Job Opening 6: 1,705 Personnel Messenger Rider Driver Motorbike - PhP 700.00 Daily Salary, with own Motorcycle Important Notice: The Employee is required to render One (1) Week of Work as Security Bond and can be redeemed upon Termination of this Agreement. During the First Week of Actual Work , the company will not provide any benefits nor allowances. Five Thousand Pesos (PhP 5,000.00) Signing Bonus. First Half amounting to Two Thousand Five Hundred Pesos (PhP 2,500.00) can be claimed after Three (3) Months of Actual Work . The next Half amounting to Two Thousand Five Hundred Pesos (PhP 2 ,500.00) can be claimed after Six (6) Months of Actual Work. Payout is Weekly, every Sunday at 8:00 PM . The Messenger Rider Driver Motorbike Payout is daily at 8:00 PM . All remuneration shall be credited on the East West Bank VISA Debit Card .

iEarn Institute, Inc. Contact Office in the Philippines is at Room 223 Makati International Inn, corner Dela Rosa St. , Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, Metro Manila , Philippines. We aim to promote and boost trade , tourism and investment, in pursuit of the ultimate policy of uplifting the lives of Filipinos in the Philippines and Abroad . Please feel free to call us in Manila (02) 245-2487, (02) 5097715, Smart 09498009718 or Globe 09167104495 if you have any questions. We look forward to meeting with you soon. It is our ultimate aim for a meaningful , fruitful and lasting relationship with our valued customers , clients and shareholders. Thank you and best regards. Very truly yours , JOHN NINO R. ESLlT, Chairman - iEarn Institute, Inc.

Cut this newspaper article and go to unit 224 Makati International Inn, corner dela Rosa St. Chino Roces Ave. Pasong Tamo Brgy. Pio del Pilar Makati City (near Export Bank Plaza in Chino Roces Makati) and receive free Mall of Asia concert ticket plus free one hour home or hotel world class therapeutic massage after the concert by Department of Health trained massage therapists. Open website www. iearnspa.com or 509-7715 09498009718 & 09167104495. Look for Mr. John Nino R. Eslit.

6

Opinyon

martes, oktubre 28, 2014 balita

EDITORIAL

KAHALAGAHAN NG LIGTAS NA PAGKAIN

I

DINaRaos taun-taon ang National Food safety awareness Week tuwing oktubre 2529 bilang pagtalima sa presidential proclamation No. 160 s. 1999, upang mapalawak ang kamalayan hinggil sa food safety education at ipakalat ang mga pamamaraan hinggil sa food poisoning at mapababa ang pagkakasakit dahil sa pagkain. Mayroong masamang epekto sa kalusugan ang hindi wastong paghawak sa pagkain, lalo na sa mga bata, matatanda, mga buntis, at yaong may karamdaman. ang Department of Health (DoH), sa pakikipagtulungan ng non-government organizations at pribadong sektor, ang nangunguna sa pagdaraos na may paalala para sambayanan na sundin ang malinis na paghahanda ng pagkain. pinapayuhan ang mga magaaral na umiwas sa mga pagkaing itinitinda sa lansangan sapagkat maaaring lumantad na ito sa lahant ng maruruming elemento o iniluto sa hindi malinis na pamamaraan. Kailangan ding takpan ang mga kubyertos kung hindi ginagamit, hugasan ang prutas at gulay bago kainin o iluto, at panatilihing malinis sa mga peste ang kusina. Maaaring mangyari ang food contamination sa iba’t ibang hakbang ng produksiyon, preparasyon, at pagkonsumo. Ito ang dahilan kung bakit madalas na naglalabas ang DoH ng mga advisory tungkol sa mga frozen, pre-cooked, uncooked, grilled food at mga de-lata na kailangang maayos na hawakan. Hugasan, ihiwalay, lutuin, at ipasok sa ref – ito ang mga iminumungkahing safety measures sa food peparation, handling, at storage. ayon sa World Health organization (WHo), mayroong mahigit 1.5 bilyong kaso ng diarrhea at food-borne illnesses taun-taon sa buong mundo na nauuwi sa tatlong milyong patay, karamihan ay bata. sa pilipinas, marami ang namamatay sa diarhhea na tumataas sa 1,997 kada 100,000 katao. Nagrekomenda ang WHo ang mga hakbang, tinawag na “Five Keys to safer Food” – ang panatilihing malinis ang pagkain; ihiwalay ang hilaw sa luto; lutuing mabuti ang pagkain, at itago ang pagkain sa angkop na temperatura; gumamit ng malinis na tubig at raw materials. Nagbabala rin ito laban sa ilang pandaigdigang suliranin sa pagkain - microbiological hazards ng harmful disease-causing microorganisms tulad ng salmonella na karaniwang nakukuha sa mga pagkain; chemical hazards tulad ng mga contaminants in food (mycotoxins, marine toxins, mercury at lead) na maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkain; at teknolohiya tulad ng genetic engineering, food irradication, at modified-atmosphere packaging na maaaring magdulot ng karamdaman.

MGA REKOMENDASYON PARA SA ‘LAST TWO MINUTES’

N

agtapos ang 40th philippine Business Conference (pBC) sa Manila Hotel noong Biyernes sa presentasyon ni pangulong aquino ng isang 8-point Recommendations mula sa business community ng bansa. ang dalawa sa walong punto ay naging sentro kamakailan ng atensiyon ng publiko - ang issue ng kuryente at enerhiya at pagsisikip ng mga daungan, pati na ang matinding trapiko na nakaaapekto ng mga aktibidad sa ekonomiya sa Metro Manila. Nag-aalala ang karamihan sa issue ng kuryente at enerhiya dahil sa abala na idudulot ng mahahabang brownout na pagsapit ng summer ng 2015, pati na ang inaasahanh pagtataas ng electric bill kapag nanggaling na ang karagdagang power supply mula sa mga kontratista upang matugunan ang agarang pangangailangan. Lalong kritikal para sa business community ay ang pangangailangang maresolba ang problema sa kakapusan ng enerhiya kung nais ng gobyernong matamo ang pagsikad ng manufacturing sektor. ang halaga ang enerhiya sa pilipinas ay isa sa pinakamatataas sa asia at nakikita itong isa sa mga dahilan kung bakit mas maliit ang naiaambag ng manufacturing sa gross Domestic product (gDp) kaysa services sector. Kaya, inirekomenda ng pBC na magbalangkas ang gobyerno ng isang integrated at sustainable na power development program na ipatutupad ng isang authoritative body, na may layuning pasiglahin ang manufacturing, akitin ang foreign investments, at kamtin ang mas pinaigting na kaunlaran. ang rekomendasyon ng pBC sa pagsisikip ng mga daungan at trapiko ay gumugunita sa pagkaantala ng paghahatid ng mga kargamento kamakailan sa mga daungan ng Manila at sa paligid ng Metro Manila dahil sa pagbabara ng mga lansangan na kailangan ng mga ito. Hinimok ng pBC ang gobyerno na gamitin ang mga daungan sa subic at Batangas upang mabawasan ang traffic sa Manila. Inirekomenda rin ang full development ng Clark International airport na kapantay ng Ninoy aquino International airport. ang iba pang rekomendasyon ng business community ay may kinalaman sa programang K-to-12, human resource development, asEaN economic integration, pagpapaigting ng koneksiyon ng Mindanao sa lahat ng bansang miyembro ng asEaN, konstruksiyon ng mga highway, agrikultura, at rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda. sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Business Conference, sinabi ni pangulong aquino na dodoblehin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap sa “last two minutes” ng kanyang termino bago siya bumaba sa puwesto sa 2016. Maaaring tutukan ng gobyerno ang mga suliraning inilista ng business community, na may malaking tungkulin sa huling dalawang taon ng administrasyon at higit pa.

Opinyon

balita martes, oktubre 28, 2014 SENTIDO KOMUN

NEWSKOPO

SANDALI LANG

BULONG AT SIGAW

NAKASISIGURO ANG BAYAN

MASUSUBUKAN

NADUNGISAN

LAGI KA NA LANG NAGMAMADALI

Eddie Damian

Celo Lagmay

Vivi Patron

BAKUNA VS. EBOLA ● Ipinahayag kamakailan ng World Health Organization (WHO) na magkakaroon na ng bakuna pangontra sa Ebola pagsapit ng 2015. ngunit lima pa raw na bakuna ang susubukan nila sa marso kung effective nga. umaasa ang WHO na maaari nang gamitin ang may 200,000 dosis ng bakuna sa kalagitnaan ng 2015. Kasabay nito ang paghimok ng WHO sa mga kumpanya ng gamot na gumawa ng milyun-milyong anti-Ebola vaccine matapos ang masidhing pag-aanalisa sa nasabing bakuna Gayunman, nagbabala ang naturang ahensiya na hindi pa tiyak kung alin man sa mga bakunang kanilang sinusubukan ang maaaring pumuksa sa nakamamatay na virus. Sa huling datos, may 4,877 na ang namamatay sa Ebola virus sa West africa ngayong taon. “The vaccine is not the magic bullet. But when ready, they may be a good part of the effort to turn the tide of this epidemic,” ani Dr. marie-Paule Kieny ng WHO. Sinabi na sa unang pasusuri sa ilang bakuna ay nakakita sila ng pag-asa. magkakaroon na nga ng bakuna pangontra sa Ebola pagsapit ng 2015. next year pa ‘yon! ilan kaya ang mamamatay muna bago malaman kung epektibo nga ang bakuna? ARAW NG DISIPLINA ● Kung balak mong magdala ng kutsilyo, ice pick, screw driver, hunting knife, jungle bolo, itak, baril at tirador sa pagdalaw mo sa iyong mga mahal na yumao sa sementeryo sa november 1, huwag nang magdala nang hindi ka maabala sa araw na iyon. inatasan kasi ni PnP chief Director General alan Purisma ang buong puwersa ng pulisya na pagpatupad ng pinaigting na security measures sa araw ng mga Patay o Todo los Santos, kasabay ang pagtataas nila ng full alert status. nakaalerto ang buong pulisya sa panahon ng all Saints’ Day na november 1 at all Souls’ Day na november Day 2 at magdaragdag ng mga pulis sa mga sementeryo, mga matataong lugar at mga transport terminal na inaasahang bubuhos ang mga pasahero. magtatayo rin ang mga PnP ng assistance hubs at quick response teams habang ang Highway Patrol Group naman ay naatasan ding maglagay ng road safety marshalls. Kasabay nito pag-iibayuhin din ng mga awtoridad ang intelligence gathering, counter intelligence at police operations upang mahadlangan ang mga magtatangkang maghasik ng karahasan. Bukod dito, babantayan din ang mga power plants at vital installation kasama na ang mga telecommunication relay station. Para rin naman ito sa kapakanan ng lahat ng magnanais dumalaw sa mga mahal nilang yumao sa mga sementero sa mahalagang mga araw na ito. Huwag ding iwang walang tao sa bahay.

l

aGinG nakakintal sa aking isipan ang motto ng Philippine military academy (Pma): Courage, integrity, loyalty. at ngayon nga na ipinagdiriwang ang ika-116 na taon nito, lalong nangingibabaw ang katapangan, integridad at katapatan ng mga nagtapos at magtatapos sa naturang akademya. ang Pma ang humuhubog sa isipan, karakter at pangangatawan ng mga kadete upang sila ay lalong maging karapat-dapat na opisyal ng armed Forces of the Philippines (aFP). Kabilang na rito ang mga kababaihang kadete na sa bisa ng isang batas ay binigyan ng pagkakataong maging military officials; nakalulugod mabatid na ang ilan sa kanila ay madalas na mapabilang sa Top 10 ng Pma graduates. ikinararangal ko na kahit na ako ay mapabilang sa mga hindi nakalusot sa Pma entrance test maraming dekada na ang nakalilipas, hindi kumukupas ang aking paghanga at pagdakila sa mga produkto ng naturang institusyon; hindi lamang sa kanilang matikas na tindig at pananamit kung sila ay nagdi-drill kundi sa kanilang matatag na determinasyon upang pangatawanan ang kanilang misyon hinggil sa pangangalaga sa seguridad ng mga mamamayan. Sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, sinusuong nila ang anumang panganib, lalo na sa mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde. madalas silang napapalaban sa mga bandidong abu Sayyaf, Bangsamoro islamic Freedom Fighters, at maging sa mga nPa rebels sa iba’t ibang sulok ng bansa. nakalulungkot nga lamang at may mga pagkakataon na sila ay sinasawimpalad. Subalit nakalulungkot namang mabatid na ang karangalang taglay ng ilang nagtapos sa Pma ay naging dahilan upang madungisan ng hindi kasiya-siyang mga pangyayari ang nabanggit na akademya. ang ilan sa kanila ay nasangkot sa pagkawala o enforced disappearance ng mga aktibista, pagpaslang sa ilan nating mga kapatid sa media at sa tandisang paglabag sa mga karapatang pantao. at nitong nakaraang mga araw, ang ilan sa kanila ay idinawit sa kasumpasumpang pangungulimbat sa salapi ng bayan. Katunayan, ang ilan sa kanila ay nagdurusa na sa mga bilangguan at detention center. Sana ay mapanatili ang dangal at katapatan ng nadungisang imahe ng Pma.

S

MABUTING BALITA Ef 2:19-22 ● Slm 19 ● Lc 6:12-16 umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga ala gad at pumili siya ng labin dalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas iskariote na naging tagapagkanulo. PAGSASADIWA Pumili siya ng Labindalawa. ● Pumili si Jesus ng labindalawa sa kanyang mga tagasunod na magiging katulong niya sa misyon ng pagliligtas sapagkat ninais niya na maibahagi sa iba ang kanyang misyon. Bago niya pinili ang labindalawang apostol, magdamag siyang nanalangin. nais niyang gabayan siya ng Diyos upang ang kanyang pipiliing labindalawa ay sumangayon sa kalooban ng kanyang ama sa langit. Gayundin naman, kapag kailangan nating gumawa ng mahahalagang desisyon, kailangan natin ang pagtuturo at paggabay ng Diyos. Kailangan nating manalangin upang ang ating mga hangarin at gawain ay maging tapat sa kalooban ng Diyos. ang pagiging alagad ni Kristo ay hindi paminsanminsan lang kundi palagian at panghabambuhay. maging babala sana sa atin ang naging kapalaran ni Judas iskariote. maging halimbawa sana sa atin sina San Simon at San Judas Tadeo. “ S I M B A H AY 2 0 1 4 ” S T. PA U L S Philippines, 7 7 0 8 S t. P a u l R d ., S a n Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959 7 0 1 ; FA X : 8 9 5 - 7 3 2 8 ; Email: books@stpauls. ph; Website: http://www. stpauls.ph.

7

inimulan nating talakayin kahapon ang ilang bagay na natutuhan natin ngunit madalas nating malimutan. naging halimbawa natin ang huwag mag-apura. Hangad kasi natin ang lahat ng bagay kaagad nang hindi nagaaksaya ng panahon, ngunit Patience is a virtue, anang kasabihan, at mas mainam ang maghintay. maaaring ang desisyon mong mag-resign sa iyong trabaho sa kasagsagan ng init ng iyong ulo bunga ng hindi ninyo pag-uunawaan ng iyong boss ay magandang ideya ngayon, ngunit sa long term, gusto mo ba talagang isuko ang iyong hanapbuhay dahil hindi naging maganda ang araw na ito para sa iyo? Walang bagay na mahalaga ang dumarating nang magaan at biglaan. Kung mayroong halaga ang isang bagay, maglaan ng panahon upang gawin iyon nang tama. maaaring gumugol iyon ng maraming panahon ngunit kapag nakuha mo na anh mga resulta, sulit ang bawat segundong ibinuhos mo para roon. ● Ang pinakamahalaga mong relasyon ay sa iyong sarili. - Huwag mong tangkaing gawin ang lahat ng gawain o responsibilidad. magpahinga ka naman. Huminga. mag-exercise. Kalusugan ang madalas nating kaligtaan hanggang makaramdam tayo ng panghihina ng katawan. at doon lang natin mare-realize kung gaano kahalaga ang mabuting kalusugan. Huwag mong pagurin ang iyong sarili sa sukdulan para lamang mapasaya ang iyong mga mahal aa buhay pati na ang mga nagtitiwala sa iyo. Sa pagtatapos ng isa na namang araw, ang pinakamahalagang tao na dapat mong mapasaya ay ang iyong sarili. iyon ang tanging approval na kailangan mo. ● Maging mabuti ka sa lahat. - ang bawat tao ay may kanya-kanyang istorya na hindi mo alam. Kilala mo lang sa mukha ang bank teller na laging nakasimangot. Halos padabog pa nga kung pagsilbihan gayong mabuti naman ang pakikiharap mo sa kanya. Wala kang karapatang husgahan ang teller na iyon sapagkat hindi mo alam kung ano ang kanyang pinagdaraanan. maaaring miserable siya dahil may sakit ang kanyang mahal sa buhay o lumaki ang kanyang utang sa credit card. Walang nakaaalam kung ano ang kanyang istorya kaya mas mainam na magpakita ka na lamang ng kabutihan; hindi lamang sa bank teller na iyon kundi pati na rin sa jeepney driver na hindi nagbalik ng sukli sa iyo, sa parloristang hindi sumunod sa gusto mong gupit, at iba pa. Tatapusin bukas.

m

Ric Valmonte

aG-iiSanG taon na ang nakalipas mula nang dalawin ng napakalakas na bagyong Yolanda ang Samar at leyte pero hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang kaukulang budget para sa rehabilitasyon ng mga nasirang lugar. ang mapanghahawakan na lang ng taumbayan lalo na ang mga nasalanta na, kahit paano, mangyayari rin ang rehabilitasyon sapagkt ang napiling magpapairal nito ay si dating senador Ping lacson. Kamakailan, sinabi niya na P11 bilyon ang naibigay na para sa pagpapagawa ng mga bahay ng mga biktima ng bagyo. inilabas ito ng Department of Budget and management (DBm) sa national Housing authority (nHa) para ipatayo ang 205,128 bahay kasama ang pagbili ng mga tatayuang lupa. Karagdagan ito sa P39 bilyon na nauna nang ibinigay ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na kasama sa rehabilitasyon, wika ni lacson. Hinihintay ko pa aniya na aprubahan ang P170.9 bilyon budget para sa plano ng rehabilitasyon na isinumite ko na sa Pangulo. ang mga plano raw para sa Samar, leyte, Cebu at Tacloban ay naaprubahan na at mabagal nga lang na pinaiiral ang mga ito. inamin niyang napakalaking problema pa ang naghihintay dahil mahigit na isang milyong bahay pa ang kailangang ipaayos. ngunit kung gaano kalaki ang problemang nasa balikat ni lacson, ganoon naman kaliit ang opisinang pinamumunuan niya para lutasin ito. Kaunti ang taong katuwang niya sa kanyang trabaho at hindi siya ang may tangan ng pondong pang-rehablitasyon. ang kanyang tanging tungkulin ay magplano at pakilusin ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ayon sa ginawa niyang plano. napakalaki na rin bagay ito sapagkat nakasisiguro ang bayan na sa kanyang pamamahala ay magagastos sa tamang layunin ang kanilang pondo. Hindi ang gaya ni lacson ang kikita sa miserableng kalagayan ng kanyang kapwa. napakadali niyang gamitin ang kanyang PDaF noong senador pa siya, tulad nang ginawa ng kanyang kapwa, para kotongan at pagkakitaan, pero hindi niya ginawa ito. Hindi siya nagpayaman, na napakadali niyang gawin, nang siya ay hepe ng PnP. Kung matagumpay niyang nilabanan ang krimen noon, matagumpay niya ring maisasagawa ang rehabilitasyon sapagkat nasa likod niya ang taumbayan na mataas ang pagtingin sa kanya dahil sa kanyang magandang halimbawa.

INTERESADO KAMING BUMILI NG CORNER LAND NA MAY GUSALI SA METRO MANILA AT SA MGA PROBINSIYA NA ANGKOP PARA SA MANILA BULLETIN BRANCHES, MAGPADALA LAMANG NG INYONG OFFER SA MANILA BULLETIN, P.O. BOX 769, MANILA

8

BALITA MARTES, OKTUBRE 28, 2014

Sh

DINDO M. BALARES, EDITOR

MAPILI NA SA KAIBIGAN

PAKIUSAP KAY ARJO

'Wag munang magkaanak -Sylvia Ni REGGEE BONOAN NG kontrobersiyal na si Kit A Thompson ang kontrabida sa buhay ni Enrique Gil sa kilig-seryeng

Forevermore na nag-umpisa nang mapanood kagabi. Talent si Kit ng Cornerstone Talent Management na pag-aari ni Erickson Raymundo at siya ang masasabing pinakabunso sa lahat, pero hindi mo iisiping 17 years old pa lang dahil malaking bulas. Unang napanood si Kit sa seryeng Kahit Puso'y Masugatan bilang kapatid ni Iza Calzado at sa Galema ni Andi Eigenmann na hinangaang umarte dahil marunong daw. "New character, a different side of me here (Forevermore) compared to Galema," kuwento ni Kit. ''I'm playing the role of a young entrepreneur, I studied digital brand management sa US, I went to the Philippines because my brother-in-law, tatay (Zoren Legaspi) ni Enrique, ng exwife niya. Doon pa lang may conflict na sa recent wife niya (nanay ni Enrique). Ako po 'yung tutulong sa business ng tatay ni Enrique, magpapalago at magpapayaman sa kanila." Ayon kay Kit, pressured silang lahat dahil ang papalitan nilang Ikaw Lamang ay consistent na mataas ang ratings. "I believe in both of them (Enrique at Liza Soberano team-up). It seems all the veteran actors here are all good and serious, maski si Direk (Cathy Garcia-

Kit Molina), gusto niya maganda kaya ilang ulit tini-take kasi gusto niya maganda at lahat karni iyon din ang gusto." Naging kontrobersiyal si Kit dahil naging laman siya ng blind items nang manood ng rock concert sa Angeles City, Pampanga kasama ang mga kaibigan, na hindi niya itinanggi. "I believe naman that we're all humans, we make mistakes, we go something but in the end, you learned from it and that's how you get better

Moira de la Torrel

ma~

in life, I guess." Sirnula pala nang mangyari iyon ay hindi nakikita 0 nakakausap ni Kit ang mga kaibigan. "No, because my route is condoPampanga, I'm into home school now, mga friends ko now 'yung mga friends ko sa Pampanga, mga ka-subdivision ko now, whom I grew up with. My friends here, sila-sila lang mga kasama ko sa trabaho," sabi niya. Natuto na siyang maging mapili sa mga kaibigang sasarnahan ngayon. "Opo, saka hindi rin naman ako masyadong lumalabas, mas maganda na rin na I'm very much focused now of what I'm doing and 'yun po, I just hope to go up from here," napangiting sabi ng bagets. "I just learned to balance everything of what I'm doing, make wise decisions, think about it over and over again. I don't get myself like what I used to do before. I was like a lost kid here in Manila, like trying to find my way, trying to find friends, trying to make everyone happy. But it's wrong, I should make myself happy," aniya sa mga natutuhan niyang leksiyon dahil sa nangyari. May sinisisi ba siya sa nasuungan niyang kontrobersiya? "I can't say na mali, like I said, we're all human, fair share mistakes, we do all same thing, there's no one to blame, honestly."

debut album na

under Ivory Records. Parnilyar si Moira dahil sumali na siya sa The Voice of the Philippines Season 1 pero hanggang battle round lang siya at napasama siya sa Team ApI de Ap at mararni siyang natutuhan na dala-dala niya ngayon. "Grabe po pala, ang dami kong natutunan sa coaches, doon ko po na-experience 'yung pinakaunang tikim ko ng showbiz, hindi ko inakalang ganu'n pala ka-trade 'yung buhay showbusiness, but I saw it, and I learned from it, I learned from the people there and I gained so many friends," nakangiting kuwento ng dalaga. Ano ang natutuhan niya kay Coach ApI? "Mararni po, family always comes first and I learned that hardwork always paid off." Hindi pa pumapasok sa isipan ni Moira ang pag-arte bagamat karamihan sa singers ngayon ay napapanood na rin sa pelikula at teleserye. "Siguro wala po siya sa priority ko ngayon but I'm not closing my door," say ng dalaga. Musicians ang parnilya ni Moira kaya hindi kataka-takang natuto na siyang magsulat sa edad na 13. "I grew up with choir with my whole family. My dad is a pastor, I grew up singing in choir every Christmas, and then when I was 12, I TSA pang alaga ng Cornerstone Talent became anorexic at kinailangan ko po ng outlet kasi wala akong magawa l.Management ang boses sa TVC ng Surf, at ang dami kong 'tinatago. Imodium, McDonalds, at maraming iba pa, " And then I started writing songs and then when I was 13, that's really ang pumasok na rin sa music industry, si started na and became my passion," kuwento ni Moira. Moira de la Torre na tubong Angeles City. Hinahangaan niya sina Adele, Taylor Swift, at sa lokal ay sina Yeng "(I'm) very grateful po, finally people get Constantino at KZ Tandingan. hear it na. My album is an all-original, all Maganda ang timbre ng at masarap sa tenga ang boses ni Moira, easy songs were written by me, I started writing listening, 'ika nga, pero mas gusto niyang magsulat kaysa kumanta. when I was 13 and I'm 21 now, so these Ang mga awiting laman ng CD light album niya ay Love Me Instead, songs are very personal, very kilig," kuwento Be My Fainjtale, Happily Ever After, IjYou Tell Me You Love Me, After Your ni Moira nang makatsikahan namin kung Heart at Wala Nang Kulang Pa ka-duet ni Sam Milby. -Reggee Bonoan paano nabuo ang kanyang self-titled album

Arjo AHIL usap-usapan ang bagets na nagki-claim na anak daw siya ni John Lloyd Cruz, nang magkatawagan sa phone nitong weekend ay natanong namin si Sylvia Sanchez (gumaganap na nanay ni Lloydie sa The Trial) kung ano ang gagawin niya kung sakaling may kumatok sa bahay nila at nagpakilalang anak ito ng panganay niyang si Arjo Atayde. "Siyempre magugulat, pero tatanggapin ko, pero sasapakin ko si Arjo kasi bakit hindi niya sinabi sa akin," diretsong sabi ng matapang na ina ng aktor. "Pero imposible kasi wala ngang sex 'yan, busy sa taping ng Pure Love kasi araw-araw na sila, malapit na rin kasing matapos. Hanggang banyo-banyo lang 'yan si Arjo," pambubuking ng nanay ng aktor na ikinatawa namin. Walang girlfriend ngayon si Arjo imposible itong makabuntis ngayon. "Madali akong kausap, ipapaDNA ko kaagad at siguraduhin lang ni Arjo na tisoy 0 tisay ang anak niya dahil buong pamilya ay tisay, pati mga pinsan niya both sides dahil kung hindi, eh, malabo talaga," patuloy ni Ibyang. Paano kung kayumanggi ang bagets? "Ha-ha-ha, basta ipapa-DNA ko at kung apo ko nga siya talaga,

D

eh, di maganda, parati ko siyang kakantahan ng 'alin-alin ang naiba, ha-ha-ha," masayang sabi ng aktres sa kabilang linya. Pero may pakiusap si Ibyang. "Sana huwag munang maganak si Arjo, magpakayaman muna siya, mag-ipon siya, mag-invest siya, magtayo siya ng sarili niyang negosyo para kung maisip niyang magpamilya, eh, kaya niyang tumayo sa sariling paa. Ngayon kasi wala pa, naghuhulog pa lang siya ng nabili niyang condo para may investment. "Ang ginagawa ko kasi, lahat ng kita niya, nakabangko. Kasi si Arjo, hindi niya kinukuha ang kita niya sa Pure Love 0 maski sa ibang shows niya, humihingi lang 'yan ng allowance every week, panggasolina at pambili ng pagkain, 'yun lang. "Kaya the rest (ng kita), nakabangko at pambayad nga sa condo niya. Para at least kapag nagtanong siya saan napunta pera niya, eh, may ipapakita ako." Masayang-masaya si Ibyang na maraming pumupuri sa magandang performance ni Arjo sa Pure Love. "Mana talaga sa akin, ha-ha-haha. Sana nga magkaroon din kami ng movie project together, 'yun ang pangarap ko. Natupad na sa serye, di ba, itong Pure Love, mag-ina kami rito, so movie naman sana sa susunod," pahayag ng aktres. -Reg gee Bonoan

lowbiz atbp.

MARTES, OKTUBRE 28, 2014

BALITA

9

~

EXPOII-1!1

o.t:=5 I.,....'Ni PROG"~ PHl

SINCE

1 900

MAlflLAaBULLBTllf

SA 'IT'S SHOWTIME'

THE PHILIPPINES' LEADING NATIONAL NEWSPAPER

Advert-seIHents Class ••• ed Ads

are read bv lI1Iore people and produce the best results_ Ni JIMI C. ESCALA

ACCEPTING ADVERTISEMENTS, SPECIAL SUPPLENIENTS

IWANAN na ni Vice Ganda ang It's Show time, ang kinatatakutan ng production executives at staff ng show na sinulat namin last week. Ang pag-alis ni Vice sa It's Show time ang usap-usapan nang magtungo kami sa ABS-CBN studios last Sunday. Pero ayon sa nakausap naming executive na ayaw magpabanggit ng pangalan, pansamantala 0 ilang buwan lamang mawawala si Vice sa pangtanghaling programa ng Dos. Noong una nga raw ay hindi pumayag ang mga namamahala ng show sa katwirang isang malaking poste ang mawawala. Knows nga naman ng lahat na pi lay ang It's Show time kung walang Vice Ganda. Pero nang banggitin ni Vice na kailangan niya ng ilang buwan lang namang pahinga sa show, kasabay ang pagtiyak na babalik siya ay pumayag na rin ang management. Ayon pa sa source namin, magpapahinga si Vice mula sa araw-araw na pagho-host. Pero tuluy-tuloy pa rin si Vice sa Gandang Gabi Vice. Nalungkot ang mga kasamahang host at lahat ng mga taong involved sa production ng It's Show time pero naintindihan nila ang dahilan ni Vice. Nalaman din namin sa aming kausap na may papasok naman daw na dalawang bagong host na pansamantalang papalit kay Vice. Kasama raw sa kinakausap na maging karagdagang host ng show ang magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano. Samantala, sa katatapos na anibersaryo ng show ay binanggit na rin naman ni Vice na kailangan niyang umalis muna sa programa dahil sa problema niya sa lalamunan. Dapat daw muna niyang asikasuhin ito dahil kung hindi baka mawalan siya ng boses, huh!

I

ON ANNIVERSARIES, INAUGURATIONS, ETC. IN COLOR OR BLACK & WHITE ADVERTISING DEPARTMENT Tel. 527-7515-527-7517-527-8121 Fax 527-7533

ADVERTISING RATES P315.00 PER COL. CM. (WEEKDAYS) P370.00 PER COL. CM. (SUNDAY)

CLASSIFIED ADS SECTION Tel. 527-7523-527-7530-450-7094 OBITUARY 450-7095 FAX 527-7534.527-1627

CLASSIFIED ADS RATES LINE ADS WEEKDAYS " 103.04 PER LINE

CIRCULATION DEPARTMENT Tel. 527-7522

ADVERTISING DEPARTMENT DISPLAY ADS SECTION Tel. 527-7515; 527-7517; 527-7520; 527-7524 Fax 338-4564; 527-7533

CLASSIFIED ADS SECTION Tel. 527-7523; 527-7530 Fax 527-7534; 527-1519 CIRCULATION DEPARTMENT

Tel. 527-7522

BRANCHES CUBAO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING

Jakosalem corner Zamora Pari-an, Cebu City Tel. (032) 256·0125; 256·0127; 256·0128

904 Aurora Boulevard comer Harvard Stree~ Cubao, Quezon City Tel. 3524390; 3524396; 3524397 Fax 352·5974

DAVAO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING C. Bangoy corner J.P. Rizal, Davao City Tel. (082) 225·0660; 225-0661; 225·0662

CAGAYAN DE ORO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING S. Osmeiia comer J. Ramonal Cog on, Cagayan de Oro City Tel. (088) 857·1764

GRACE PARK BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING

I

Fax 527-7526

CEBU BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING

Quezon corner Delgado, Iloilo City Tel. (033) 336·9450; (033) 336·9658

Aktres ay madalas itong nagiinarte. May mga pagkakataon daw na tuwing tinatawagan siya for a meeting ay hindi siya sumisipot. "Naku 'yan si _ _ (aktres/TV host), sobra ang pagpapasensiya sa kanya ng mga may-ari ng produkto. Ewan lang namin kung sino ang may diperensiya, ang aktres ba o 'yung mga taong namamahala ng career niya," sey ng source namin. Tuwing tinatawagan daw kasi ang aktres tungkol sa availability

Fax 527-7526

MANILA BULLETIN HEAD OFFICE

ILOILO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING

SA sa naging pin aka maben tang celebrity endorser ang aktres na sinasabing nagrereyna-reynahan sa isang TV network. In fairness, effective din namang endorser ang aktres kaya unti-unting bumabalik ang mga kumpanyang dating kumukuha sa kanya. Pero how true na isa-isa na namang naiimbiyerna sa aktres/ TV host ang mga may-ari ng mga produktong iniendorso niya? A yon sa source namin, bukod kasi sa mataas ang talent fee ni

SUNDAY"116.48 PER LINE

BOX ADS WEEKDAYS r 352.80 PER COL. CM. SUNDAY r414.40 PER COL. CM.

niya for a meeting at sa promo ng iniendorsong produkto ay laging dedma ang kampo nito. "Kaya ang ending, eh, tinatapos na lang nila ang kontrata ng aktres at malamang pagkatapos ng kontrata niya, eh, papalitan na rin siya," dugtong pa ng source. Kasama rin kaya sa mga bibitaw sa aktres/TV host ang isa sa mga produktong iniedorso niya na hindi boses niya ang ginamit? 'Yun na! --Jimi C. Escala

Rizal Avenue Extension corner 10th Avenue Grace Park, Kalookan City Tel. 363·2216; 363·1333 Fax 363·1333

NAGABRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Peiiafrancia Avenue corner Dimasalang, Naga City Tel. (054) 473·7522 Fax (054) 473·7526

SANTIAGO CITY BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Maharlika Highway comer Abauag Stree~ Poblacion, Santiago City

BAGUIO CITY BRANCH

Unill02 EGI Albergo di Ferroca Condominium, #1 Villamor Drive, 8rgy. Lualhati, Baguio City Tel. (074) 422·6324; 422·6204 Fax (074) 422·6070

WEST AVENUE BRANCH G/F Delta Building, West Avenue corner Quezon Avenue, Quezon City Tel. 373·3910; 373·3911; 373·3912 Fax 373·3913

AYALA AVENUE BRANCH G/F National Life Insurance Bldg., 6762 Ayala Avenue, Makati City Tel. 813·2142; 813·7476 Fax 813·5826

ALABANG BRANCH Unit 104 G/F South Center Tower, 2206 Market, Madrigal Business Park Alabang, Muntinlupa City Tel. 772.1901 ; 772·1902 Fax 772·1903

MALL OF ASIA BRANCH Unit No. 112·113 SP Mall of Asia Central Business Park Bay City, Pasay City Tel. 556·1441; 556·0033; 556·0081

MAKATIBRANCH Ground Floor, Atrium of Makati Makati Avenue, Makati City Tel. 8114357; 8114453; 8114391 Fax 812·3962

ORTIGAS BRANCH G/F East of Galleria Building, Topaz Road, Ortigas Center, Pasig City Tel. 631-0193; 631-0208; 631-0346 Fax 631-0176

DUMAGUETE CITY BRANCH Un~ 4Paya Buiding, Bypass Road, Loot, Dumaguele City

Tel. (035) 522·1068; (035) 522·1069

THE MANILA BULLETIN OFFICES ARE ALL LOCATED IN THE PHILIPPINES.

10 Showbiz

martes, oktubre 28, 2014

balita

Bong Revilla, kumpiyansa pa ring nasa panig niya ang katotohanan Ni CHIT A. RAMOS

Bong

N

AKATANGGAP ang inyong lingkod ng balita na nagsasaad ng paglilinaw sa bagong isyu tungkol kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. Inamin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na walang pera ang JLN Corporation na pumasok sa anumang bank account ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. Sa cross examination ng defense council na si Atty. Joel Bodegon sa pagpapatuloy ng bail hearing ni Sen. Revilla sa Sandiganbayan, kinumpirma ng AMLC bank investigator na si Atty. Leigh Von Santos na wala silang nakitang anumang pondong nagmula sa korporasyon ni Janet Lim Napoles na pumasok sa kahit anong bank account ng mambabatas. Sinabi ni Santos na tanging mga NGO lamang ang nakita ng AMLC na tumanggap ng pondo mula sa JLN na lalong nagpahina sa alegasyon ni Benhur Luy laban sa senador.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kasiyahan si Revilla sa kinalabasan ng pagdinig sa kanyang paghingi ng piyansa sa kasong plunder na kanyang kinakaharap. Ayon sa senador, malakas ang kanyang kompiyansa na lilitaw din ang katotohanan, na ang lahat ng alegasyon laban sa kanya ay walang basehan. Sa naunang pagdinig, pinatunayan ni Revilla na lehitimo ang pinagmulan ng P87 milyon na sinasabi ng AMLC na unexplained wealth. Tahasang sinabi ni Revilla na ang lahat ng pera na nakita ng AMLC na inilabas at ipinasok sa kanilang bank account ay nagmula sa mga kinita niya sa pelikula, product endorsement at television shows na pawang may kaakibat na resibo at binayaran ng tamang buwis. Ilang mahalagang pointers ang idinagdag ng ulat: Ang AMLC ay hindi sumunod sa utos ng Ombudsman na tingnan ang katotohanan sa accounts ni Atty. Richard Cambe at Sen. Bong Revilla, maliban sa pagpapatibay lamang sa mga haka-haka at conclusion sa mga unang kasinungalingang sinabi ni Benjur Luy sa kanyang salaysay at business ledger. Inamin ng AMLC na walang nakuha o natanggap na pera si Cambe at si Sen. Bong mula sa JLN Corp o kay Napoles. Lahat ng sinabi ni Atty. Leigh Vhon Santos ng AMLC ay ibinase sa ledger, affidavit at matrix ni Benjur Luy na hindi naman totoo.

Inamin din ng AMLC witness na wala silang alam at di rin nila tinanong si Nemesio Pablo at Joseline Piorato sa mga sinabi ni Benjur Luy. Kahit na alam ng lahat na si Nemesio Pablo ay nasa Australia at wala sa Pilipinas para i-confirm ang mga withdrawal ng pera ng kanyang NGO. Inamin din ng AMLC witness na hindi niya alam na si Benhur Luy ay nasa abroad na nag-tour sa Europa sa mga araw na nagbigay daw ng pera kay Cambe at hindi rin niya alam na pati si Cambe ay nasa abroad din sa araw na nagbigay na naman daw siya ulit kay Cambe. Mismong AMLC ang umamin na walang aliases na ginamit si Sen. Bong at kanyang pamilya, kaya walang intension si Sen. Bong na magtago ng transaksiyon sa kanyang accounts. Ipinangangalandakan ng AMLC sa hearing na meron daw multiple accounts si Sen. Bong, senyales na may money laundering na. Pero lumabas na wala naman palang nilabag na batas kahit sangkatutak pa ang accounts niya. Wala ring nilabag na batas si Sen. Bong kahit isarado niya ang ilan niyang accounts. Si Atty. Gigi five days lang daw hinalukay ang bank accounts. Pero, si Sen. Bong, 30 days ang ginawang panuntunan kasi gusto nila talaga ibaon. Pero wala rin silang napala.

ITATAMBAL KAY JANELLA SALVADOR

Manolo Pedrosa, pinaka-busy sa ‘PBB’ ex-housemates

N

Ni JIMI C. ESCALA

O doubt, sa lahat ng dating housemates ng Pinoy Big Brother All In ay si Manolo Pedrosa ang pinaka-busy. Left and right ang showbiz commitments ngayon ni Manolo. Bukod sa tapings and shootings ay sunud-sunod din ang out of town shows ng bagong alaga ni Katotong Jun Reyes. Nang makausap namin si Manolo sa 17th birthday party niya sa Club Filipino last Saturday, isa lang ang pinanghihinayangan niya -- na ipinagpalit niya sa showbiz

career ang pag-aaral niya. Nami-miss nang husto ni Manolo ang pagiging estudyante niya sa La Salle, pero masaya naman daw siya sa ginagawa niya ngayon. Ang ina raw niya ang nagdesisyon na dahil sa naging aktibo siya sa showbiz ay kailangang tumigil muna siya ng isang taon sa pag aaral niya. Gustong patunayan ni Manolo na hindi poging mukha ang taglay niya kundi may ibubuga rin siya sa larangan

ng pag-arte. Dagdag pa niya, kung sa PBB ay napanood ng mga tao na hindi siya nakakakanta at nakakasayaw, ngayon ay gagawin niya ang lahat para patunayan na marunong na siya sa mga aspetong iyon. Samantala,pagkatapos ng short role niya sa Hawak Kamay ay nakatakda nang umpisahan ni Manolo ang bago niyang seryeng O.M.G. katambal si Janella Salvador.

Bet ng Bayan tampok sa Raniag Twilight Festival

M

AKIKISAYA ang Kapuso reality-talent show na Bet ng Bayan sa Raniag Para sa karagdagang updates tungkol sa iba Twilight Festival ng Vigan ngayong araw, habang patuloy ang paghahanap pang regional events ng Network, sundan lamang nito sa pinakamagagaling na Pinoy homegrown talents sa pamamagitan ng ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram North Luzon regional finals. sa pamamagitan ng @GMARegionalTV. Sa nasabing showdown, pagtatapat-tapatin ang anim na qualified bets (ang mga nakapasa sa auditions at provincial finals) mula Dagupan at Baguio simula 8:00 PM sa Plaza Salcedo. Makakasama nila ang Bet ng Bayan hosts na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards. Bawat contestant ay umaasang mapabibilib ang board of judges na binubuo nina Dingdong Dantes, Kuh Ledesma, at Jim Paredes. Hindi rin naman magpapahuli sina Andrea Torres, Pancho Magno, at Cris Villongco ng afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra na dadayo rin sa Vigan para sa Raniag Twilight Parade sa ganap na 7:00 PM. Kahapon, pinangunahan ng GMA Artist Center talent na si Louise de los Reyes ang pagpapailaw ng Christmas Tree sa Vigan public market. Kasabay nito ang naging masaya at makulay na Raniag Twilight Street Dance Competition sa Quezon Avenue. Pagsapit naman ng 8:00 PM, sinamahan nina Alden at Max Collins, mula sa bayani-seryeng Ilustrado, si Louise sa Kapuso Fiesta na ginanap sa Vigan City Hall Grounds. Nakasama nila bilang event host ang komedyanteng si Boobay. Mapapanood ang highlights ng Raniag Twilight Festival sa Let’s Fiesta na ipalalabas sa Nobyembre 16 sa siyam na regional stations ng GMA Network SAGOT sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de KATAMTAMAN KAHAPON Oro.

11

balita martes, oktubre 28, 2014

Handwritten notes are tHe best

Taylor Swift, makaluma pa rin Taylor

M

ASAYA si Taylor Swift sa katotohanang ang love letters ay hindi maaaring i-delete. Kilalang romantic ang 24-anyos na singer at madalas magsulat tungkol sa kanyang mga nakarelasyon. At pagdating sa mumunting kilos, mas gusto niyang manatiling makaluma. “I love writing thank-you notes. There’s something very nostalgic to me about the feel of a card and putting pen to paper. How many times in our lives are we required to put pen to paper anymore?” pahayag niya sa US edition ng Esquire. “There’s something romantic and sort of lost about [writing a letter]. I like things you can touch and things you can keep, because every bit of communication we have is ephemeral in nature. You can just delete an e-mail and it’s like it was never there.” Sa ngayon ay walang oras si Taylor sa pakikipagrelasyon dahil abala siya sa promosyon ng kanyang upcoming album na 1989. Ilan sa

mga naging boyfriend niya sina Harry Styles, Jake Gyllenhaal at John Mayer. Marami ang nasulat tungkol sa kanyang lovelife, ngunit hindi niya maintindihan ang obsession ng madla. “I would date someone, figure out we weren’t compatible or figure out we didn’t work out, and then we’d break up. That seems like a very normal thing for a young 20-something to do, and that is my biggest scandal,” buntong-hininga niya. “I think it’s healthy for everyone to go a few years without dating, just because you need to get to know who you are. And I’ve done more thinking and examining and figuring out how to cope with things on my own than I would have if I had been focusing on someone else’s emotions and someone else’s schedule. It’s been really good.” Cover Media

Christian Bale, gaganap na Steve Jobs sa biopic

L

OS ANGELES (AFP) – Ang Oscar-winner na si Christian Bale — na nakilala nang husto sa kanyang pagbibida bilang Batman sa blockbuster na mga pelikulang Dark Knight — ang gaganap sa papel ng Apple co-founder na si Steve Jobs sa biopic ng huli. “We needed the best actor on the board in a certain age range and that’s Chris Bale,” sabi ng screenwriter ng pelikula na si Aaron Sorkin sa panayam ng Bloomberg Television na ipinaskil online noong nakaraang linggo. Nanalo ng Academy Award sa kanyang screenplay para sa The Social Network tungkol sa Facebook at sa isa sa mga nagtatag nito na si Mark Zuckerberg, sinabi ni Sorkin Christian na napakadali lang para sa kanya na ibigay ang lead role kay Christian. “He didn’t have to audition,” sabi ni Sorkin, bagamat sinabi ng writer na “there was a meeting” bago ibinigay sa British actor ang role. “He has more words to say in this movie than most people have in three movies combined,” sabi ni Sorkin, na sinusulat ngayon ang script para sa Sony Pictures batay sa 2011 biography na Steve Jobs na sinulat ni Walter Isaacson. “There isn’t a scene or a frame that he’s not in. So it’s an extremely difficult part and he is going to crush it,” sabi pa ni Sorkin. Naitampok na sa pelikula ang kuwento ng buhay ng Apple inventor sa drama movie na Jobs na pinagbidahan ni Ashton Kutcher noong nakaraang taon. Matamlay ang mga rebyu sa pelikula. Nanalo si Christian ng Best Supporting Actor Oscar noong 2011 para sa The Fighter. Umani rin ng papuri ang pagganap niya sa American Psycho noong 2000, at tumanggap siya ng Academy Award best actor nomination para sa American Hustle noong 2013.

12 Libangan

martes, OKtUBre 28, 2014

HANGGANG MAGLAHO ANG MGA

SANDALI

JON CASTILLO

L

(Huling labas)

UMIPAS ang tatlong araw, bumubuti ang kalagayan ni Gaston, gayong hindi niya maigalaw nang todo ang kanyang kaliwang kamay bunga ng pagkakasugat sa dibdib niya na malapit sa puso. Sinabi ni Doktora San Gabriel na natural lamang iyon at walang dapat ikabahala. Sa isang pribadong silid ng ospital, dumating si Doña Ysabel at kasabay niyang pumasok si Doktora San Gabriel. Naabutan nilang sinusubuan ni Elisa ng elbow macaroni soup si Gaston na nakaupo sa kama habang naroon din sina Carol at Mang Alteo. Nagkumustahanatnagkuwentuhan

Hulascope

sila tungkol sa kaso ng kidnap-forransom na nauwi rin naman sa tawanan nang sabihin ni Mang Alteo na kikidnapin niya si Doña Ysabel. Nang magkaroon ng katahimikan, kumuha ng isang maliit na kahon na sinlaki ng bahay ng posporo si Doña Ysabel mula sa bag nito at binuksan. Kinuha mula roon ang isang kuwintas na may palawit na isang carat ng diamante. Ani Doña Ysabel, “Ito ang kuwintas na ibinigay ng aking greatgrandfather sa aking greatgrandmother nang magtapat siya ng tunay na pag-ibig. Ito ang kuwintas ni Doña Patricia Lorenzana.“ Napanganga sina Elisa at Carol sa ganda ng kuwintas at hiwaga ng

istoryang nababalot doon. Sa isip ni Elisa, hindi pala gawa-gawa lamang ni Doña Ysabel ang kuwento nina Estrella at Ephraim. “Elisa, Carol, ako ang kaapuapuhan ni Don Ephraim Lorenzana. Ina ko si Maria Kristina na apo naman ni Don Ephraim. Napangasawa ng ina ko ang isang nobelistang tagaManila na si Jonas Castillo.” At pagkatapos, iniabot ni Doña Ysabel ang kuwintas kay Gaston. Pagkakuha ni Gaston, tiningnan niya ang kuwintas sa kanyang palad, at pagkatapos isinuot niya iyon kay Elisa. Nangilid ang mga luha ni Elisa. Ni wala sa panaginip niya ang eksenang iyon. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin bilang tugon sa pagkakaloob ng napakahalagang simbolong ito ng pagmamahal; ngunit umaasam siya sa sasabihin ni Gaston. “Ako rin, Elisa, hindi ko alam ang sasabihin,” panimula ni Gaston. “Kahit noong una pa kitang makita, mga ilang ulit kong pina-practice ang aking sasabihin bago ako lumapit sa

iyo. Mahilig akong makipagsapalaran ngunit ang pagkakataong ito ay hindi ko tiyak kung ano ang kapalaran ko.” Pinalipas ni Gaston ang ilang sandali, at pagkatapos, hinawakan niya ng dalawang palad ang kamay ni Elisa. “Gusto kita, Elisa, para sa akin. Gusto kita sa buhay ko. Gusto kita palagi. Iniimbitahan kitang maging sentro ng aking mga pangarap... Mamahalin kita hanggang maglaho ang mga sandali.” Tuluyan nang umiyak si Elisa, iniabot ang mangkok ng macaroni soup kay Carol at niyakap niya nang mahigpit si Gaston. Ngunit para kay Elisa, batid na niya ang kanyang kapalaran - si Gaston. At handa na niyang harapin ang bago niyang buhay sa Coron.

Palaisipan

ni Nonie V. Nicasio

BaLita

R.V. VILLANUEVA

At sa paglipas ng panahon bilang mag-asawa, napatunayan nga nila na ang kanilang pagmamahalan ay dalisay at wala nang...

(WAKAS) ni Boy A. Silverio

ARIES [Mar 21 - Apr 19] It’s not the day na hindi mo pagaganahin ang iyong creativity. Haharapin mo today ang unresolved problems.

TAURUS [Apr 20 - May 20] Spend more time sa iyong Family Department. Agad mong makukuha ang benefits ng being with loved ones. GEMINI [May 21 - Jun 21] Bibigyan mo ng voice ang isang idea. In this cycle, maso-solve mo ang isang problem with less difficulty.

Sagot Kahapon

Sosyalan

CANCER [Jun 22 - Jul 22] Mag-focus ka on what is important. Iwasang makialam sa problems ng undisciplined colleagues. LEO [Jul 23 - Aug 22] Sang-ayon sa iyo ang elements ng iyong zodiac sign. Ibig sabihin, your systems point you in the right direction. VIRGO [Aug 23 - Sep 22] Challenging ang daytime hours mo in this cycle at maaaring magdulot ng tension kahit may support ka from someone. LIBRA [Sep 23 - Oct 22] Kapag kaharap mo na ang isang authority, express your need freely. Pero gawin mo ito on the right time and with respect. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] Tatanggapin mo uli ang iyong normal role bilang leader of the gang. Kasi naman, you handle responsibilities well. SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21] Magiging excited ka sa isang upcoming event or a visit from someone. Ang result: Happy ka, without any doubt. CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19] I-welcome mo ang feedback mula sa trusted friends. This is for your own good kahit negative ang maririnig mo. AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18] Mayroon ka nang ability to visualize ang gusto mong makuha sa isang situation. Maaapektuhan nito ang iyong decisions. PISCES [Feb 19 - Mar 20] No, hindi pa Haloween kaya huwag kang manakot ng iyong friends. Better look at the mirror bago ka lumabas ng bahay.

PAHALANG 1. Binibini 6. Pugay 10. Inuming nakalalasing 11. Payag 12. Unyon 13. Pirme 14. Babag 15. Unahan sa pagkuha 17. Dusing 18. Pagkain ng sanggol 20. Parte ng gulong ng bisikleta 22. Uri ng matamis 24. Kawangis

27. Salapi, pabalbal 30. Mataas na baraha 31. Luto sa tubig 32. Punglo 33. Pangangalunya 34. Sakit sa balat 35. Malusog PABABA 1. Pagkabihira 2. Libang 3. Tulad ng no. 31 4. Hawak sa kamay 5. Siyensiya 6. Suksok

LAMAN LUPA

sa baraha 7. Hindi gusto 8. Suot sa graduation 9. Luto na ang sinaing 16. Sumbrero 17. Inis 19. Bulungan 21. Manggagawa sa tubuhan 23. Talas 24. Kutob 25. Pangalan 26. Panghukay ng lupa 27. Lasa ng asin 28. Pinatuyong karne 29. Salok

PAHALANG 1. Litsuning hayop 5. Tiyuhin 9. Ugali 10. Pahindi 11. Pinatuyong hipon 12. Botelya 14. Oscar, palayaw 15. Pahiran 16. 52 sa Roman number 17. R sa Abakada 19. Mayabang 21. Simbolo ng aluminum 23. Armand Reyes Yabut 24. Satanas 27. Minsan pa 30. Ihiwalay

31. Tambang 32. Daig 33. Ehersisyo ng Hindu 34. Bansa sa Africa 35. Entra PABABA 1. Masamang amoy 2. Ungol 3. Parte ng mukha 4. Kapuso actress na Isabel 5. Turong malapit sa kinakausap 6. Magkasakit 7. Kaltas 8. Unang panganganak

10. Unang pangulo ng RP 13. Salitang golf 15. Broadcast journalist na Arcangel 16. Deposituhan 18. Binabae, slang 20. Babae sa club 22. Kaloob-looban ‘pag inulit 25. Isang milyon, lumang Tagalog 26. Pambibilog ng ulo 27. Nakain nang lahat 28. Yabong 29. Gulok 31. Yakag

ni Roni Santiago

For flower arrangements, especially for November 1, just call or text Ruel Santos from San Mateo, Rizal. – 09335830832 Good day sa lahat ng Balita readers! Hinahanap ko si Papa ko, si Bernardo Bolanoz Borbe, taga-Gumaca siya. I’m Regan Deginat Borbe. Sana matulungan ako’ng mahanap siya. – 0942-8043622 Hi, Balita readers! Hanap ako ng girl text mate, 20-30 years old, taga-QC. ‘Yung willing makipag-meet. – 09083294277 Hi. I’m Patrick from Cagayan de Oro City. Gusto ko ng text mate na 19 years old pataas. – 0906-8482977 Hi. Naghahanap ako ng male na puwedeng tawagan, 35-40 years old. Sweet ‘to, ng Mindoro. – 09097275692 Happy reading sa lahat! I’m Andy, 30 years old. Looking for a nice girl friend. – 0977-1211130 Hanap ko ay text mate na puwedeng makasama sa buhay. ‘Yung mabait at may work, 35-45 years old. I’m Samboy or Rizal. – 0920-4934704

Nagnakaw ng panabong ng pulis, patay ROSARIO, Batangas - Patay ang isang umano’y magnanakaw ng panabong na manok matapos mabaril ng biniktimang pulis sa Rosario, Batangas. Dead on arrival sa Christ the Savior Hospital ang hindi pa nakikilalang suspek matapos mabaril ni SPO3 Edgardo Ilagan, 42, nakatalaga sa Lobo Municipal Police, at residente ng Barangay San Jose, Rosario. Ayon sa report ni PO2 Jayson Matanguihan, bandang 4:30 ng umaga noong Oktubre 25 nang maaktuhan ng biktima ang suspek na bitbit sa bayong ang pitong panabong ng una. Pinaputukan umano ng suspek ang pulis, na gumanti at tinamaan ang suspek. Lyka Manalo

Trike vs truck: 3 patay, 3 sugatan SANTA IGNACIA, Tarlac - Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong katao nang bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa kasalubong na Isuzu mini dump truck sa highway ng Barangay Padapada sa Santa Ignacia, Tarlac, noong Linggo. Halos maligo sa sariling dugo ang nasawing sina Joseph Lundag, nasa hustong gulang, driver ng tricycle (TV-5333); Christian Valete, at Roland Corpuz, kapwa construction worker, lahat ay residente ng Bgy. San Juan De Mata. Sugatan at ginagamot sa Tarlac Provincial Hospital sina Christian Dela Cruz, 33; Rolly Valete, 48; at Romeo Sumaoang, 40, pawang obrero at residente rin sa nasabing barangay. Nakasalpukan ng tricycle ang truck (WJS-442) na minamaneho ni Palar Aquino, 26, ng JBL Construction Company, ng Bgy. San Roque, San Jacinto, Pangasinan. Leandro Alborote

14 Sports

marteS, OKtUBre 28, 2014

Balita

Federer, naghari sa Swiss Indoor BASEL (Reuters)– Nakatuon ang pansin ni Roger Federer sa pagtatapos bilang top-ranked player ng mundo sa katapusan ng season makaraang makopo ng 33anyos ang kanyang ikalimang titulo ngayong taon sa kanyang hometown kahapon. Pinatalsik ng 17-time grand slam champion si David Goffin, 6-2, 6-2, upang mapanalunan ang Swiss Indoor tournament sa Basel sa ikaanim na pagkakataon, at mas napalapit sa Serbian na si Novak Djokovic sa ituktok ng rankings. Isang malakas na pagtatapos sa Paris Masters at sa ATP World Tour Finals ang maaring muling magluklok sa kanya bilang number

one sa unang pagkakataon mula 2009, katunayan na ang kanyang galing ay hindi pa nababawasan sa paglipas ng taon. “It would be very special, you can’t say it’s not important, world number one, it’s what it’s all about really, together with some tournaments you really care about,” pahayag ni Federer sa opisyal na istasyon ng telebisyon ng ATP makaraan ang kanyang 51minutong pagdurog kay Goffin. “With the year I’ve had and the amount of finals I’ve played, the level of tennis I’ve played, I’m really pleased that I have a shot at being there.” “But I’m sure Novak will be very motivated. It’s going to be interesting

weeks ahead.” Si Federer, na ang 302 linggo bilang world number one ay isang rekord, gayundin ang kanyang 237 sunud-sunod na linggo sa ibabaw ng rankings, ay kulang ng 500 puntos lamang sa likuran ni Djokovic sa kanyang pinagsamang 2,500 puntos na maaring mahakot sa Paris at London. Napanalunan ni Djokovic ang magkaparehong titulo noong nakaraang taon at hindi magiging masyadong mahalaga sa kanyang paghakot ng puntos, habang si Federer ay natalo sa semifinals ng mga nasabing event at may pagkakataong mapaliit ang kanilang pagitan.

Nadal, sasailalim sa appendicitis surgery BASEL, Switzerland– Sasailalim si Rafael Nadal sa isang seasonending appendicitis surgery sa susunod na buwan, dahilan upang hindi na siya makapaglalaro sa Paris Masters at ATP finals sa London. Inanunsiyo ni Nadal ang kanyang desisyon noong Sabado makaraang matalo sa 17-anyos na si Borna Coric sa isang sub-par performance sa quarterfinals ng Swiss Indoors sa Basel. Sinabi niya na siya ay nagdesisyon noong isang linggo na sumailalim sa surgery sa Nobyembre 3 at pagtatapos ng kanyang 2014 season.

“It’s the day to say goodbye to the season,” sabi ni Nadal. “It’s been a very hard year for me, mentally and physically. I’m not going to play Paris and London, I’m not competitive enough for that. I need to do the surgery for my appendix and I need to work on my back.” “I need five weeks of rest and I want to have one month to try to work as much as I can to be ready for 2015. The only way to work on being fit is to be healthy. I need to fix all the things in my body first.” Una nang sinabi ng Paris Masters organizers na nag-pull out na si Nadal

mula sa torneo na mag-uumpisa sa susunod na linggo dahil sa “personal reasons.” Kinailangan ng Spaniard ng treatment para sa appendicitis sa Shanghai nitong buwan. Sa Basel, siya ay naglaro sa kanya lamang ikatlong torneo mula sa Wimbledon, nang paikliin ng isang wrist injury ang kanyang iskedyul. Ang U.S. Open champion na si Marin Cilic at Ernests Gublis ay umatras na rin mula sa Paris Masters. Si Cilic ay may right-arm injury habang may right shoulder injury naman si Gulbis.

PALIWANAG NI ROACH

Resulta sa Algieri bout, magpapasya kung bababa ng timbang si Pacquiao Ibinunyag ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na makikita niya kung saang timbang nababagay si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagdepensa nito ng WBO welterweight title kay WBO junior welterweight champion Chris Algieri sa catchweight na 144-pounds sa Nobyembre 22 sa Macau, China. Sa panayam ni boxing writer Edward Chaykovsky ng BoxingScene. com, magpapasiya si Roach kung mananatili si Pacquiao sa 147pounds division o babalik sa junior welterweight limit na 140-pounds. Huling nanalo sa knockout si Pacquiao sa 12th round stoppage victory noong 2009 laban kay Puerto Rican Miguel Cotto para masungkit

ang welterweight title ng WBO. “When you are fighting a 147pounder and you only weigh 135 yourself or 140, you are in there against much stronger guys and Manny only has two knockouts as a welterweight and he has a lot of knockouts at 135 and 140 and the thing is this is a catchweight of 144, and if he feels good at 144 we may go to 140 again,” paliwanag ni Roach. “At 140, he will be a better puncher than at 147 because the guys are smaller and not as strong.” Aminado si Roach na napakaliit ni Pacquiao sa welterweight division kaya hindi na ito makapagpatulog ng mas malalaking kalaban. Sa laban kay Algieri, plano niyang gumawa ng plano para mahadlangan ang epektibong jabs

ng Amerikano. “[Algieri] has a great jab. The jab is the best punch in boxing – guys like Virgil Hill and Larry Holmes won world titles with the jab, so it’s something we really have to concentrate on,” ani Roach. “We have to take that jab away from him and we have a game plan on how to do that and we are working on that every day.” “And that’s why [Victor] Postol was brought in, because he has a very good jab like Algieri. Now, he is a little bit taller than Algieri and has a longer reach but it gives a good idea about what to expect in the fight,” dagdag ni Roach. Gilbert Espeña

FEDERER MP HotEl . . . mula sa pahina 16 niya ay ang katotohanan na kahit sino ay maari na niyang hugutin at ipasok sa loob ng court anumang oras. Nanguna para sa nasabing panalo si dating University of Minnesota standout Maverick Anhamisi at local playmaker na si Alvin Abundo na kapwa umiskor ng tig-11 puntos habang nag-ambag naman sina Jam Cortez at Rodrigue Ebondo ng tig-10 puntos. Sa kabilang dako, tumapos na top scorer para sa MP Hotel Warriors si Jumabon Bulac na may 9 na puntos. Una rito, nagkaroon ng isang simpleng opening ceremonies ang

liga na tinampukan ng pananalita nina PBA Commissioner Chito Salud at Chairman Pat Gregorio at ng tradisyunal na parada ng mga koponan at maging ng kanilang mga naggagandahang mga musa. Naging mainit naman ang panimula ng Bakers sa pangunguna ng kanilang Cameroonian center na si Ebondo at Fil-Am guard na si Ahanmisi at maagang nagparamdam ng pagiging isang title contender makaraang agwatan ang baguhang MP Hotel Warriors, 31-9, sa first quarter. Umabot pa ang nasabing kalamangan hanggang 28 puntos, sa iskor na 44-16, may nalalabi pang 4:42 bago ang halftime. Marivic Awitan

Sports 15

balita MaRteS, OKtUbRe 28, 2014

Kiefer, Jeron, magsasanib-pwersa Mula sa pagiging matinding magkaribal, pansamantalang magiging magkakampi ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa collegiate basketball ngayon. Ang reigning UAAP MVP na si Kiefer Ravena, ang “King Eagle” ng Ateneo, ay makikipagtambal kay Jeron Teng ng La Salle para sa isang charity basketball event sa Nobyembre 5. Sina Ravena at Teng ay bahagi ng Team PCWorx, igigiya ni two-time grandslam winning coach Tim Cone, na binubuo ng mga manlalaro mula UAAP at NCAA na sasabak sa “All In”, isang basketball fundraiser na layong makakalap ng pondo upang makapagpatayo ng mga bahay para sa mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng Gawad Kalinga. Palalakasin ng dating NBA players na sina Eddy Curry at DerMarr Johnson, hahamunin ng Team PCWorx ang Team Gawad Kalinga na binubuo naman ng Ball Up Streetball All-Stars na mamanduhan naman ni dating NBA MVP Allen Iverson. Makakasama naman nila ang mga dating manlalaro ng PBA na sina Jerry Codinera, Willie Miller, at Renren Ritualo. Magtatagisan ng galing ang dalawang koponan sa Mall of Asia Arena.

“It’s gonna be nice to play alongside a rival of mine, Jeron. It’s gonna be fun. And I’m honored to play for Tim Cone, one of the winningest coaches in the PBA. It will truly be a memorable night for all of us,” pahayag ng 21-anyos na si Ravena. “And it’s nice that we’ll be doing this for charity. It’s always nice to help out.” Ipinahayag din ng Ateneo hotshot ang kanyang admirasyon para kay Iverson at excited na rin umano siya na makadaupang palad ito. “Allen Iverson was one of those players who revolutionized the game. He is “The Answer”. He changed the game in so many ways that until now, you see those changes in the court. I can’t wait to meet him,” ani Ravena. Handog ng PCWorx at katuwang ang Philippine Airlines, Solaire Resort and Casino, NBA Café Manila, Accel, Intel, Microsoft, Rapoo, AOC, PhilCare, at Mall of Asia Arena, mabibili ang mga tiket para sa “All In” online sa www. smtickets.com, lahat ng SM Tickets outlets, at piling mga sangay ng PCWorx sa Metro Manila.. Kristina Maralit

Bronze medalist, makukuwalipika sa 28th SEAG Itinakda ng 28th Southeast Asian Games (SEAG) Team Philippines Management Committee na makuwalipika ang pambansang atleta na makakahablot ng tansong medalya sa susunod na edisyon ng torneo na gaganapin sa Singapore sa Hunyo 2015. Ito ang isiniwalat ng isang mataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos ang isinagawang pagpupulong sa national sports associations (NSA’s) para sa paghahanda nila sa kada dalawang taong torneo kung saan huling tumapos ang Pilipinas sa pinakamababang pangkahalatang ikapitong puwesto. Matatandaan na nagwagi ang Pilipinas ng kabuuang 29 ginto, 34 pilak at 38 tanso para sa kabuuang 101 medalya sa pinakamasaklap nilang kampanya mula ng sumali sa SEA Games. Una nang nagpadala ang Pilipinas ng kabuuang 133 lalaki at 86 babae para sa kabuuang 219 atleta at 114 opisyales sa ika-27 edisyon ng torneo. Ipinaliwanag pa ng opisyal na kinakailangang abutin ng pambansang atleta na nagnanais na makasama sa pambansang delegasyon ang

itinakdang criteria na bronze medal standards, partikular sa mga measurable sports. Posible din na makasama ang isang pambansang atleta kung magagawang makalapit sa bronze medal standard habang malaki din ang posibilidad na makasama ng ibang miyembro ng national pool na maaabot ang itinakdang criteria. Malalaman na kung sino ang makakasama sa pambansang delegasyon sa 28th Singapore SEA Games sa gaganaping 2015 Philippine National Games kung saan masusubok ang kakayahan ng national athletes kontra sa pinakamagagaling na atletang makukuwalipika sa taunang torneo. Ito ay matapos na baguhin ng nag-oorganisang Philippine Sports Commission (PSC) ang format ng PNG kung saan ay magsasagawa na ito ng limang qualifying leg sa buong bansa at pagsasamahin ang tatanghaling kampeon upang isama sa pambansang atleta. Sinuman sa pambansang atleta na mabibigo sa kanilang event ay agad na aalisan ng kanilang natatanggap na buwanang allowance at insentibo sa ahensiya ng gobyerno sa sports. Angie Oredo

SHAKEY’S V-LEAGUE SEASON 11

Finals berth, naaamoy na ng Cagayan Valley Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena) 4 p.m. – RTU vs Systema 6 p.m. – PLDT Home Telpad vs Army Winalis ng Cagayan Valley ang inaasahang isang mahigpit na laban sa pagitan nila ng PLDT Home Telpad, 25-15, 25-20, 25-16, upang makahakbang papalapit sa asam na finals berth at maitakda ang duwelo nila nang nauna ng finalist na Philippine Army sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City. Gaya ng kanilang naunang

Ni MARIVIC AWITAN itinalang first round sweep kontra sa Turbo Boosters noong Oktubre 12, dinikdik din ng Lady Rising Suns ang kanilang katunggali sa ipinakita nilang net at floor defense na sinabayan pa nila ng pagpapaulan ng spikes sa iba’t ibang anggulo ng korte upang maiposte ang kanilang ikatlong panalo sa limang mga laro. Dahil dito, bumaba ang Turbo Boosters sa kabaligtarang barahang 2-3 (panalo-talo) habang isang panalo na lamang ang kinakailangan naman ng Cagayan upang makausad sa kampeonato. Bagamat natalo, puwede pa ring makahabol ang PLDT sa huling finals berth ngunit kailangan nilang umasa na

matalo ang Cagayan sa huling laro nito laban sa Meralco at talunin naman nila sa huli nilang laro ang Army sa tampok na laro ngayon sa ganap na alas-6:00 ng gabi matapos ang unang laban sa men’s division sa pagitan ng Rizal Technological University (RTU) at ng Systema sa alas-4:00 ng hapon. Una rito, nakarekober ang Far Eastern University (FEU) sa decider set para gapiin ang RTU, 25-18, 25-15, 23-25, 20-25, 15-9, at isara ang kanilang kampanya sa barahang 2-4 (panalotalo). Dahil dito, nakumpleto at naitakda naman ang pagtutuos ng Systema at ng Instituto Estetica Manila sa unang kampeonato ng kalalakihan sa torneong ito na itinataguyod ng Shakey’s at suportado ng Accel at Mikasa.

UST, ungos sa general championship race Tila ‘di na mapipigilan ang University Santo Tomas (UST) upang mapanatili ang UAAP General Championship sa Season 77 ngunit may balakid pa sa kanilang daan kung saan ay mayroon lamang na five-point lead ang reigning seniors titlist De La Salle University (DLSU) sa pagtatapos ng aksiyon sa unang semestre. Umasa sa mga panalo sa women’s beach volleyball, men’s taekwondo at men’s at women’s judo, kumolekta na ang Growling Tigers ng 152 puntos. Pumangalawa ang UST, ang may pinakamaraming numero sa seniors overall crowns na taglay ang 39, sa men’s beach volleyball at sinunggaban ang third-placed trophies sa women’s taekwondo at poomsae at men’s swimming at table tennis. Ikinadismaya naman ng Tigers ang pagpapakita sa men’s basketball kung saan ay tumapos lamang sila na nasa ikaanim matapos ang magkakasunod na runner-up finishes sa huling dalawang seasons. Bagamat naunsiyami upang idepensa ang kanilang mga titulo sa ilang sports, sumunod ang Green Archers sa anino ng Tigers na kaakibat ang 147 puntos. Winalis ng Taft-based student

athletes ang men’s at women’s table tennis titles sa first semester. Tumapos ang De La Salle sa ikalawa sa women’s beach volleyball, taekwondo at poomsae at sa men’s badminton at pumangatlo sa men’s basketball at women’s basketball at swimming. Pumangatlo ang University of the Philippines (UP) sa ikatlong spot na mayroong 130 puntos matapos na pamunuan ang women’s taekwondo at badminton at poomsae events. Ang Fighting Maroons ay No. 2 sa men’s at women’s table tennis at men’s at women’s swimming. Pumangatlo naman sila sa men’s judo. Kaagapay ang pagwalis sa men’s at women’s swimming titles, umusad ang Ateneo de Manila University (ADMU) sa ikaapat sa naiposteng 114 puntos. Ibinulsa ng Blue Eagles ang second-placed trophies sa women’s badminton at men’s at women’s judo, habang ang kanilang men’s badminton team ang kumubra ng third place. Taglay ang kanilang unang semester stint sa pagtapos sa kanilang napakahabang 60-year title drought sa men’s basketball, umakyat ang National University (NU) sa ikalimang puwesto matapos maitala ang 99 puntos. Habang ang kanilang sports program ay umaangat, napagwagian din ng Bulldogs ang

mga titulo sa women’s basketball, men’s badminton at beach volleyball, habang napasakamay ang breakthrough third-place finish sa men’s taekwondo. Sa sixth place na mayroong 91 puntos, nagkasya lamang ang Far Eastern University (FEU) sa runnerup honors sa men’s at women’s basketball at No. 3 sa women’s badminton at table tennis. Pumasok ang season host University of the East (UE) sa ikapitong puwesto na taglay ang 66 puntos na kinapalooban ng sorpresang second-place finish sa men’s taekwondo at third-place trophy sa women’s judo, habang kinubra ng Adamson University (AdU) ang 53 puntos na may podium finishes sa women’s at men’s beach volleyball. Iginawad ng UAAP ang 15 puntos para sa champion team, 12 puntos sa ikalawang puwesto, 10 para sa ikatlo, 8 sa ikaapat, 6 sa ikalima, 4 sa ikaanim, 2 sa ikapito at 1 sa ikawalo. Magsisimula ang second semester action sa Nobyembre 22 kung saan ang volleyball competitions ay papalo sa Mall of Asia Arena na dito ay target naman ng UST na mas mapalakas ang kanilang performance matapos ang mababang showing sa dalawang nakaraang seasons.

MP Hotel, pinulbos ng Cafe France

~aIDa

or

DENNIS R. INIGO, EDITOR

Gaya ng dapat asahan, naikasa ng Cafe France ang kanilang unang tagumpay makaraang ilampaso ang baguhang MP Hotel, 86-59, kahapon sa pagbubukas ng 2014 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa kabila ng nasabing malaking panalo, inamin ni coach Egay Macaraya na hindi pa siya kuntento sa laro ng kanyang team. "Hindi pa ko kuntento sa laro nila, they're jelling na a liitle bit, but let's see kapag malakas na

16

ang kalaban. Kasi 'yung kalaban namin ngayon medyo naninibago pa," pahayag ni Macaraya. Ayon kay Macaraya, mayroon siyang pitong regular na manlalaro at pitong bagong recrtuits kaya naman hindi pa aniya halos ganoon kabuo ang kanilang teamwork. "Malalaman iyan kapag malakas na 'yung kalaban like Hapee," dagdag pa nito. Sa ngayon aniya, ang ikinasisiya lamang SUNDAN sa p. 14 MARTES, OKTUBRE 28, 2014

BALITA

Meralco, Alaska, makikipagsiksikan sa liderato Mga laro sa Miyerkules: (Smart Araneta Coliseum) 4:15 p.m. Meralco vs. Blackwater 7 p.m . Talk 'N Text vs. Alaska Makasalo sa liderato ng mga kasalukuyang namumunong Barangay Ginebra at San Miguel Beermen ang kapwa

tatangkain ng Meraleo at Alaska sa nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum. Unang sasabak ang Bolts sa ganap na alas-4:15 ng hap on kontra sa baguhan at winless pa rin na Blackwater Sports (0-2) habang susunod na sasalang ang Aces sa Talk 'N Text Tropang Texters sa ganap na alas-7:00 ng gabi. Una munang tinalo ng Bolts sa labang inabot ng dalawang

Ni MARIVIC AWn AN overtime ang Barako Bull, 112108, noong nakaraang Oktubre 22 habang nanaig naman ang Aces sa kanilang unang laban kontra sa defending champion Purefoods Star Hotshots, 93-73. Dito na masusubukan ang sinasabing kakayahan ng athletic big guys ng Tropang Texters na maglaro at mapunan ang kakulangan nila sa lehitimong sentro. Kaparis ng kanilang naunang

panalo kontra sa NLEX Road Warriors, matapos mabigo ng 20-puntos, 81-101, sa kanilang opening day game laban sa Barangay Ginebra Kings, sasandigan ni Tropang Texters coach Jong Uichico sina Jay Washington, ang nagbabalik na si Kelly Williams, Ranidel de Ocampo at Rob Reyes. Sa kabilang dako, tiyak namang hindi sila basta na lamang papopormahin nina Sonny Thoss, Samigue Eman, Anthony dela Cruz at Eric Menk.

Samantala, bigo sa kanilang unang dalawang laro, aabangan naman ngayon ang ipakikitang laro ng Elite na natatanging koponan sa hanay ng tatlong baguhang team sa liga na hindi pa nakakapagtala ng panalo. "Hopefully, we could learn the soonest para naman magawa namin 'yung dapat," pahayag ni coach Leo Isaac ng Blackwater na tinutukoy ang inaasahan niyang pagkatuto ng maaga ng kanyang mga manlalaro sa mga naranasang pagkabigo.

"LITTLE CHAMPIONS, BIG DREAMS"

2014 MILO Little Olympics Perpetual Trophy, napasakamay ng NCR Team Hindi napigilan ang National Capital Region (NCR) upang isukbit ang overall championship at ang napakahalagang Perpetual Trophy matapos na dominahin ang kompetisyon ng 2014 MILO Little Olympics National Finals noong Linggo sa Marikina Sports Complex sa Marikina City. Kinamkam ng Big City bets ang kabuuang 298.5 puntos para sa ikalawang puwesto sa elementary a at 349 puntos naman para manguna sa sekondarya tungo sa pinagsamang 647.5 puntos upang tanghaling pangkalahatang kampeon sa ika-27 edisyon ng torneo na nilahukan ng 1,600 kabataang atleta. "Ayaw talaga ng mga bata na

Ni ANGIE OREDO hindi nila maiuwi ang Perpetual Trophy. Sila mismo ang nagsabi na gagawin nila ang lahat ng elementarya at 248 sa sekondarya makakaya nila para manalo sila para sa kabuuang 563 puntos. at maibigay sa NCR ang titulo," Pumangatlo ang Mindanao pagmamalaki ni NCR regional organizer Dr. Robert Milton Calo bago isagawa ang closing ceremony ng torneo na suportado ng Wilson, Mikasa, Molten, Butterfly, Marathon, Smart Communications, 2Go Travel at City Government of Marikina kung saan ay inendorso din ng Department of Education (DepEd), Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) . Pumangalawa ang Visayas na unang nagbulsa ng Perpetual Trophy sa natipong 315 puntos sa



sa 232.5 (elementary) at 203.5 (secondary) para sa 436 puntos at ikaapat ang Luzon na may 174 sa elementarya at 219.5 puntos sa sekondarya para sa kabuuang 393.5 puntos. Bagamat muling nabigo na tanghaling overall sa elementary kung saan nanguna ang Visayas, tinipon nang husto ng NCR ang pinakamaraming puntos sa sekondarya sa pagwawagi ng 13 pinaglabanang sports upang hablutin ang tropeo na simboliko ng pagiging tatlong sunod na kampeon sa mahirap na National Finals. Ang tanging mga nagwagi ng gin tong medalya lamang sa ginanap na regional legs ang lumahok sa National Finals.

Nagtagumpay ang NCR sa athletics, gymnastics, swimming, girls' taekwondo at team sports na tulad ng girls' volleyball, football, boys' chess, sepak takraw at tennis upang dominahin ang secondary division. Pumangalawa ang Visayas sa sekondarya sa natipong 248 puntos habang pumangatlo ang Luzon sa 219.5 puntos at ikaapat ang Mindanao sa kabuuang 203.5 puntos. Namayani naman ang Visayas sa elementary division sa naitalang 315 puntos habang pumangalawa ang NCR sa 298.5 puntos. Pumangatlo ang Mindanao sa 232.5 puntos habang ikaapat ang Luzon sa 174 puntos.